ANO ANG MGA DAPAT TANDAAN SA PAG SALI NG ISANG ONLINE HOME BASED - TopicsExpress



          

ANO ANG MGA DAPAT TANDAAN SA PAG SALI NG ISANG ONLINE HOME BASED BUSINESS? Marami ang nag aakala na ang ONLINE BUSINESS ay para lang sa ONLINE/DIGITAL PRODUCTS. Ang totoo, kahit anong product ngayon ay pinopromote na ONLINE. Ngunit, ano nga ba ang ang mga dapat tandaan sa pagsali ng isang ONLINE BUSINESS? COMPANY Stable ba ang company na sasalihan mo? Baka naman FLY BY NIGHT lang yan. Yung tipong pang 1-2 years lang tapos, bigla na lang mawawala. May Office man lang ba? O picture lang? Sikaping alamin ang detalye at background ng may ari at company na sasalihan mo. Dahil baka magulat ka, promote ka ng promote, wala na pala ang may-ari at sarado na ang kumpanya. PRODUCT Napaka importante nito. Dapat ikaw mismo, satisfied ka sa product na ipo-promote mo. Meaning nagagamit mo ito at ng pamilya mo. Malaki ba ang market nyan? Baka naman limited lang ang market. Dapat Online/Offline man, pwede mong i- promote. Residual din dapat ang income sa product. Meaning, dapat ay highly consumable or madalas at kailangang gamitin ng tao. Dapat ang market from BIRTH TO OLD AGE. Dahil pagsakop nito ang produkto mo, tyak lalago ang negosyo mo. Importante ang produkto sa isang company na sasalihan mo. Dahil kung sa pag-invite ka lang kikita, pag isipan mo muna, dahil pagkayari sumali ng bagong partner mo ano na kasunod? Magpasali uli para ka lang kumita? Tandaan, kung maganda ang produkto tiyak maganda rin ang income dito. At residual ito, hindi lang yung minsanan lang ang kita. PAYPLAN Wag agad magpasilaw sa inaalok nilang bilis at laki ng kita. Pag-aralan mo munang mabuti. Tandaan, na mag bi-build ka ng Networks of Business Partners mo. Gagawa ka ng Credibility sa papasukin mo. Kaya, wag lang basta sali ng sali. Dahil, mahihirapan ka ng mag gain uli ng trust sa mga iinvite mo, once na mali pala ang nasalihan mo. Importante dito, tingnan rin kung may maganda at may safe and great plan ba sila para kumita ang bawat sasali rito. Baka naman, ang kikita lang ay yung nauna. At hindi yung nagsisikap at nagsissipag talaga. At baka rin naman sasalihan mong kumpanya pag sali mo, kahit may kita ka na. Di mo pa agad makuha! SYSTEM Duplicable ba ang sistema? Ang sistema ng isang company na sasalihan ay dapat pwedeng gawin kahit nasan ka. Madali bang gawin ng kahit na sino... Kahit OFW ka, empleyado, estudyante, negosyante, tambay o kung ano ka pa man ay dapat kaya rin nila itong gawin. Online/Offline ba ito? Kelangan may option sa pag promote. Dahil alam naman natin, may mga tao mas gusto pure online may iba gusto lang offline. TEAM Pumili ng Team na sasalihan. Dapat alam mo kung may support ba na maibibigay sayo habang nag sisimula ka. May maganda bang sistema at planning ang team? Dahil online business ang sasalihan mo. Kailangan may mga magagamit kang tools sa team para mai-promote ang business mo sa online. Ilan lang ito sa mga Tips o dapat tandaan bago sumali ng isang totoong ONLINE BUSINESS.
Posted on: Sat, 24 Aug 2013 07:28:55 +0000

Trending Topics



style="margin-left:0px; min-height:30px;"> 1. Aflac is not health insurance; it’s insurance for daily
RE: POSTING IN FL. TO DOG TIED TO LIGHTPOLE. Have tracked it
Review++ Smittybilt 97210 XRC-10 10,000 lbs Winch ONLINE

Recently Viewed Topics




© 2015