ASSIGNMENT IN FILIPINO ano ang DULA? Ang dula ay isang - TopicsExpress



          

ASSIGNMENT IN FILIPINO ano ang DULA? Ang dula ay isang akdang pampanitikan na ang layunin ay itanghal sa pamamagitan ng pananalita, kilos at galaw ang kaisipan ng may-akda. Ang dula ay kinapapalooban ng usapan o diyalogo ng mga tauhan. Sa tuwirang usapan ng mga gumaganap sa dula nailalarawan ang ibat ibang damdamin nais ipadama sa mambabasa. Malinaw na nakasaad sa usapan ang diwang nais bigyang-diin sa dula. (mula sa aklat na Kadluan ng Wika at Panitikan nina M. Reyes, A. Binsol at T. Laxina) Ang dula ay isang uri ng panitican na nahahatisa ilang yugto ng maraming tagpo.Pinaka layunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado . Ang tagpo sa dula ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan. ano ang ELEMENTO nito? Elemento ng Dula Iskrip o nakasulat na dula - ito ang pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip; walang dula kapag walang iskrip Gumaganap o aktor - ang mga aktor o gumaganap ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip; sila ang nagbibigkas ng dayalogo; sila ang nagpapakita ng ibat ibang damdamin; sila ang pinanonood na tauhan sa dula Tanghalan - anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula ay tinatawag na tanghalan; tanghalan ang tawag sa kalsadang pinagtanghalan ng isang dula, tanghalan ang silid na pinagtanghalan ng mga mag-aaral sa kanilang klase Tagadirehe o direktor - ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang iskrip; siya ang nag-i-interpret sa iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay dumidipende sa interpretasyon ng direktor sa iskrip Manonood - hindi maituturing na dula ang isang binansagang pagtanghal kung hindi ito napanood ng ibang tao; hindi ito maituturing na dula sapagkat ang layunin ng dulay maitanghal; at kapag sinasabing maitanghal dapat mayroong makasaksi o makanood
Posted on: Mon, 02 Dec 2013 10:34:39 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015