Adopt-a-family naman (Bernard Taguinod) Matapos ang - TopicsExpress



          

Adopt-a-family naman (Bernard Taguinod) Matapos ang adopt-a-town na isinagawa ng mga Local Government Units (LGUs) sa Metro Manila, “adopt-a-famil­y” naman sa hanay ng mga biktima ng bagyong Yolanda, ang pinaplano nga­yon ng Union of Local Authori­ties of the Philippines (ULAP). Ito ang napag-alaman kay Presidential Communication Operations Office (PCOO) Secretary Herminio ‘Sonny’ Coloma Jr., sa press briefing kahapon, na nabuo sa pulong na ipinatawag ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III sa hanay ng kanyang Gabinete. Ayon kay Coloma, nabuo ang plano matapos makitangnagtagumpay ang adopt-a-town o adopt-an-LGU kaya plano umano ng ULAP sa pangu­nguna ng kanilang pa­ngulo na si Oriental Mindoro Gov. Rey ‘Boy’ Uma­li na ilunsad ang “adopt-a-family”. “Sabi ni Governor Uma­li, marami rin daw nag­pahiwatig, may mga pamilya doon sa pagnanais nilang makatulong, they want to help a famil­y in Leyte, a family in Eastern Samar,” pahayag ni Coloma. Sinabi ni Coloma na ipupursige umano ng mga ito ang nasabing plano lalo na’t maraming pamil­ya ang nangangailangan ng tulong sa lalong madaling panahon hanggang sila ay makabangon. Sinabi ni Coloma na lahat ng mga mag-aampon ng pamilyang sinalanta ng bagyong Yolanda ay puwedeng makipag-ugnayan sa ULAP upang mahanapan ang mga ito ng kanilang aampunin. Natuwa umano ang Pangulo sa nasabing plano ng ULAP lalo na’t mara­ming pamilya ang nagtu­ngo sa Metro Manila at Cebu na walang mapunta­hang kaanak at inaalagaan ngayon ng Department of Social Welfare and Deve­lopment (DSWD). “Ano ba iyong specifi­c needs nu’ng families doon? ‘Di po ba napakagandang pagpapakita ito ng malasakit? So ang nara­rapat lang po dito ay hanapan natin ng paraan to facilitate that and to make it possible. Kaya iyon po ang pag-aaralan na kung paano ito mao-operationalize,” ayon pa kay Coloma. abante-tonite/issue/nov2313/news_story02.htm#.Uo_Pt9Kw0rU #Admin Anna
Posted on: Sat, 23 Nov 2013 05:30:00 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015