After transcribing a story of Ptr Jun Buway from Ayangan through a - TopicsExpress



          

After transcribing a story of Ptr Jun Buway from Ayangan through a Ayangan speaker who knows tagalog as well, this is the result and I was laughing and laughing while transcribing. Nyahahha Isang araw may isang matanda na bumili ng baboy sa palengke. Inuwi ng matanda ang baboy at napadaan sila sa isang bakod. Ayaw tumalon ng baboy sa bakod. Maya maya, nakakita ang matanda ng patpat at kinausap niya ito, ¨patpat! paluin mo nga itong baboy ng tumalon ito sa bakod ng kami´y makauwi na.¨ Ngunit ayaw ng patpat. Mayamaya pa ay nakakita ang matanda ng apoy at kinausap niya ito, ¨apoy, apoy! apoyan mo nga itong patpat ng paluin niya itong baboy ng yung baboy ay tumalon sa bakod para kami´y makauwi na¨. Ngunit ayaw din ng apoy. Mayamaya ulit at nakakita ang matanda ng tubig at kinausap ito, ¨tubig, tubig! tubigan mo nga itong apoy ng apoyan niya ang patpat at ng yung patpat ay paluin ang baboy ng ito´y tumalon sa bakod para kami´y makauwi na¨. Ngunit ayaw din ng tubig. Mayamaya, nakakita naman ng kaabaw ang matanda at kinausap niya ito, ¨kalabaw, kalabaw! Inumin mo nga itong tubig na ito ng tubigan niya ang apoy at ng yung apoy apoyan niya ung patpat ng yung baboy ay tumalon para kami´y makauwi na.¨ Ngunit ayaw ng baka. Pagkalipas ng isang saglit, may nakita naman ang matanda ng tali at kinausap ito, ¨tali tali! itali mo nga itong baka na ito para inumin niya yung tubig at ng yung tubig ay tubigan ang apoy ng yung apoy ay apoyan ang patpat ng yung patpat ay paluin ung baboy ng yung baboy ay tumalon sa bakod para kami´y makauwi na.¨ Ngunit ayaw ng tali. Maya maya pa, nakakita naman ang matanda ng daga at kinausap niya ito, ¨daga daga! ngatngatin mo nga itong tali na ito ng itali niya yung kalabaw ng yung kalabaw ay inumin yung tubig ng yung tubig ay tubigan yung apoy ng yung apoy ay apoyan yung patpat ng yung patpat ay paluin yung baboy ng yung baboy ay tumalon sa bakot para kami´y makauwi na.¨ Ngunit ayaw ng daga.¨ Gumagabi na at nakakita ng matanda ng pusa at kinausap ito, ¨pusa pusa! kainin mo nga itong daga ng itong daga ay ngatngatin yung tali ng yung tali ay itali ang kalabaw ng yung kalabaw ay inumin yung tubig ng yung tubig ay tubigan yung apoy ng yung apoy ay apoyan yung patpat ng yung patpat ay paluin yung baboy ng tumalon sa bakod para kami´y makauwi na.¨ Ngunit sabi ng pusa sa kanya, ¨ako´y nagugutom.¨ At sabi ng matanda, ¨may kamote ako dito, kainin mo.¨ Kinain ng pusa ang kamote at ito´y nabusog at nagpahinga. Pagkatapos nitong magpahinga at nagka-lakas, hinabol niya ang daga at yung daga ay nginatngat ang tali at yung tali ay tinali yung baka at yung baka ay ininum yung tubig at yung tubig ay tinubigan yung apoy at yung apoy ay inapoyan ang patpat at yung patpat ay pinalo yung baboy at yung baboy ay tumalon sa bakod at silay nakauwi na. Gabi na.
Posted on: Fri, 09 Aug 2013 10:17:58 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015