Akalain mong nakaka-tatlo na tayo?! Eh ano pa nga ba, ituloy na - TopicsExpress



          

Akalain mong nakaka-tatlo na tayo?! Eh ano pa nga ba, ituloy na natin ang listahan ng mga tanong na dapat mong iwasang itanong sa boyfriend mo. :) Number 3 = May iba ka no? Womens intuition. Malakas ang tiwala ng karamihan ng babae sa ganyan nila. Una po, buong galang ko pong sasabihin na anyone can develop a heightened sense of intuition. Ok? Pero, kutob pa rin po yan. Kutob lang yan. Iba pa rin kapag merong pinanggagalingan ang mga sinasabi mo, girlie. Kaya ko naman nasabi ito dahil ang pangatlo sa listahan ay madalas sabihin ng babae. Oo, pwedeng may 80% chance ka na tumama sa pagdududa mo, pero hindi mo ba naisip yung natirang 20? Paano kung mali ang intuition mo? Edi mag-aaway kayo? Edi masasaktan mo yung boyfriend mo? Ngayon, sabihin mo sa akin kung worth it na sumugal kahit ba meron kang 80%? Mga babae, hanggat wala kayong matibay na pruweba, hanggat may matinong kapaliwanagan sa mga nangyayari, wala kayong karapatang isugal ang relasyon mo. Wala kang karapatan dahil sa dalawa kayo sa relasyon, tapos hindi mo man lang iisipin ang pwedeng kahinatnan ng mga bagay-bagay kapag tinanong mo yan. Kung kulang ka sa pruweba, wag mong itanong yan, kung itatanong mo yan habang galit ka, wag din. Walang patutunguhang maganda ang pagalit na usapan. Mas maganda, hanggat maaari, iwasan na lang ang tanong na yan. Syempre, ibang usapan na kung meron kang sapat na pruweba. Kasi, itatanong mo pa ba yan kung nahuli mo na siya sa akto? Di ba hindi na? Pwede mong sabihin yan pero hindi na patanong, pagalit na, parang, May iba ka! (&#^$ &^@%!^*$ Ngayon nage-gets mo ba ang gusto kong sabihin, kaya hindi mo dapat itanong yan, babae. Kung kulang ka sa ebidensiya at tinanong mo yan, maaaring makasakit ka. Kung may sapat ka namang ebidensya o nahuli mo na sa akto, itatanong mo pa ba? Hindi mo na dapat itanong kung may iba o hindi, sure ka na eh. Ang dapat niyong pag-usapan, kung bakit. Bakit niya ginawa, mapa-babae man o lalake. Dapat pag-usapan ang mga ganyang bagay, ng hindi pagalit. Dapat pag-usapan niyo ng may malinaw na isipan at malalim na pang-unawa. Alam ko mahirap yan, pero kapag nagawa niyo yan, ang mag-usap ng matino at hindi mag-away, hindi man mag work-out ang relasyon niyo, hanga pa rin ako sa inyong dalawa. Again, please check out my audio blog at this link, youtube/watch?v=KcqTHnK7d2g. Comments, suggestions, and most especially, violent reactions are very much welcome. :) 56 days before Christmas. Mukhang marami na ang madalas sinisipon. :) Keep calm and lets visit your dead relatives. :) God bless and good vibes everyone. :) --PapaBong
Posted on: Wed, 30 Oct 2013 06:56:48 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015