Ang Magandang Balita ayon kay Mateo Panimula: Ang Magandang - TopicsExpress



          

Ang Magandang Balita ayon kay Mateo Panimula: Ang Magandang Balita ayon kay Mateo ay naglalahad na si Jesus ang katuparan ng ipinangakong pagliligtas ng Diyos sa mga aklat ng Lumang Tipan. Sa pamamagitan ng paggamit ng maraming talatang hango sa Lumang Tipan, binigyang-diin ng sumulat ng aklat na ito na si Jesus na taga-Nazaret ang hinihintay na Manunubos ng bansang Israel, ang bayang hinirang ng Diyos. Subalit kahit na si Jesus ay isinilang at namuhay sa lupain ng mga Judio, ang Magandang Balitang ito ay hindi lamang para sa kanila kundi para sa lahat ng tao. Maingat na inilalahad sa aklat ni Mateo ang mga pangyayari sa buhay ni Jesus: ang pagsilang, ang pagbautismo at ang pagtukso sa kanya, ang kanyang pangangaral, pagtuturo, at pagpapagaling ng mga tao sa Galilea at sa iba pang mga lugar. Inilalahad din dito ang paglalakbay ni Jesus mula sa Galilea hanggang sa Jerusalem at ang mga pangyayari sa loob ng huling linggo ng kanyang buhay dito sa lupa. Itoy nagtatapos sa kanyang pagkapako sa krus, muling pagkabuhay, at pagsusugo sa kanyang mga alagad. Sa Aklat na ito, si Jesus ay ipinakikilala bilang dakilang Guro na may kapangyarihang magpaliwanag ng Kautusan ng Diyos at mangaral tungkol sa kaharian ng langit. Ang mahahalagang turo ni Jesus na nilalaman ng aklat na ito ay nahahati sa limang pangkat: (1) ang Sermon sa Bundok na tumatalakay sa mga katangian, tungkulin, karapatan, at kahihinatnan ng mga taong pinaghaharian ng Diyos (kabanata 5--7);(2) mga tagubilin sa labindalawang alagad tungkol sa kanilang mga dapat gawin (kabanata 10);(3) mga talinghaga ukol sa Paghahari ng Diyos (kabanata 13);(4) mga turo tungkol sa kahulugan ng pagiging alagad (kabanata 18); at (5) mga turo tungkol sa magiging wakas ng kasalukuyang panahon at sa nalalapit na Paghahari ng Diyos (kabanata 24--25). Pinapaniwalaang isinulat ni Mateo ang aklat na ito unang-una para sa mga Judio upang silay sumampalataya na si Jesu-Cristo ang katugunan ng matagal na nilang hinihintay na pagliligtas ng Diyos sa kanyang bayang pinili. Like · · Share Top Comments Lucy Abellar likes this. Bagong Magandang Balita Biblia- Bagong Tipan Bagong Magandang Balita Biblia- Bagong Tipan Mateo 1: 1-25 Talaan ng mga Ninuno ni Jesu-Cristo (Lucas 3: 23 - 38) 1 Ito ang talaan ng mga ninuno ni Jesu-Cristo na mula sa angkan ni David na mula naman sa lahi ni Abraham. 2-6 Mula kay Abraham hanggang kay Haring David, ang mga ninuno ni Jesus ay sina: Abraham, Isaac, Jacob na ama ni Juda at ng kanyang mga kapatid, Juda, Fares at Zara na mga anak ni Juda kay Tamar, Esrom na anak ni Fares, Aram, Aminadab, Naason, Salmon, Boaz na anak ni Salmon kay Rahab, Obed na anak ni Boaz kay Ruth, at Jesse na ama ni Haring David. 6-11 Mula naman kay Haring David hanggang sa naging bihag ang mga taga-Juda sa Babilonia, ang mga ninuno ni Jesus ay sina: David, Solomon na anak ni Haring David sa dating asawa ni Urias, Rehoboam, Abias, Asa, Jehoshafat, Joram, Ozias, Jotam, Acaz, Ezequias, Manases, Amos, Josias, Jeconias at ang mga kapatid nito. 12-16 At pagkatapos na silay maging bihag sa Babilonia hanggang sa ipanganak si Jesus, ang mga ninuno niya ay sina: Jeconias, Salatiel, Zerubabel, Abiud, Eliakim, Azor, Sadoc, Aquim, Eliud, Eleazar, Matan, Jacob, at si Jose na asawa ni Maria. Si Maria ang ina ni Jesus---ang tinatawag na Cristo. 17 Samakatuwid, may labing-apat na salinlahi mula kay Abraham hanggang kay David, labing-apat mula kay David hanggang sa pagkabihag ng mga Israelita sa Babilonia at labing-apat din mula sa pagkabihag sa Babilonia hanggang kay Cristo. Isinilang si Jesu-Cristo (Lucas 2:1-7) 18 Ito ang naganap nang ipanganak si Jesu-Cristo. Si Maria na kanyang ina at si Jose ay nakatakda nang magpakasal. Ngunit bago sila makasal, nalaman ni Maria na siyay nagdadalang-tao sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo. 19 Subalit dahil isang taong matuwid si Jose na kanyang mapapangasawa, at ayaw nitong malagay sa lubos na kahihiyan si Maria, binalak niyang hiwalayan a si Maria nang palihim. 20 Ngunit habang pinag-iisipan ito ni Jose, nagpakita sa kanya sa panaginip ang isang anghel ng Panginoon. Sinabi nito sa kanya, Jose, anak ni David, huwag kang matakot na pakasalan si Maria, sapagkat ang sanggol na dinadala niya ay mula sa Espiritu Santo. 21 Magsisilang siya ng isang batang lalaki at Jesus ang ipapangalan mo sa sanggol sapagkat ililigtas niya ang kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan. 22 Nangyari nga ang lahat ng ito upang matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta, 23 Tingnan ninyo; Maglilihi ang isang birhen at magsisilang ng isang sanggol na lalaki, at tatawagin itong Emmanuel. (Ang kahulugan nitoy Kasama natin ang Diyos). 24 Nang magising si Jose, sinunod nga niya ang utos ng anghel ng Panginoon at pinakasalan niya si Maria. 25 Ngunit hindi niya sinipingan si Maria hanggang magsilang ito ng isang anak na lalaki. At Jesus nga ang ipinangalan ni Jose sa sanggol. a hiwalayan: Sa kulturang Judio, ang babaet lalaking nagkasundo nang pakasal ay itinuturing nang mag-asawa kahit hindi pa sila lubusang nagsasama. Like · Reply · October 30 at 4:10pm Bagong Magandang Balita Biblia- Bagong Tipan Mateo 2: 1-23 Matatalinong Tao Ginagabayan ng Bituin guhit ni Gustave Dore Mateo 2:1-2 - Panahon ng paghahari ni Herodes sa Judea nang ipanganak si Jesus sa Bethlehem. Nang siyay isilang, may mga matatalinong taong mula pa sa silangan ang dumating sa Jerusalem. Nagtanungtanong sila, Nasaan ang ipinanganak na hari ng mga Judio? Nakita namin sa silangan ang kanyang bituin, kayat naparito kami upang siyay sambahin. Ang Pagdalaw kay Jesus 1 Panahon ng paghahari ni Herodes a sa Judea nang ipanganak si Jesus sa Bethlehem. Nang siyay isilang, may mga matatalinong taong b mula pa sa silangan ang dumating sa Jerusalem. 2 Nagtanungtanong sila, Nasaan ang ipinanganak na hari ng mga Judio? Nakita namin sa silangan ang kanyang bituin, kayat naparito kami upang siyay sambahin. 3 Nang mabalitaan ito ni Haring Herodes, siyay naligalig, gayundin ang buong Jerusalem. 4 Kayat tinipon niya ang lahat ng mga punong pari at mga tagapagturo ng Kautusan at silay tinanong, Saan ba isisilang ang Cristo? 5 Tumugon sila, Sa Bethlehem po, sapagkat ganito po ang isinulat ng propeta: 6 At Ikaw, Bethlehem, sa lupain ng Juda, ay hindi pinakahamak sa mga pangunahing bayan ng Juda. Sapagkat sa iyo magmumula ang isang pinuno na mamamahala sa aking bayang Israel. 7 Nang mabatid ito, palihim na ipinatawag ni Herodes ang mga matatalinong tao at inusisa kung kailan lumitaw ang bituin. 8 Pagkatapos, sila ay pinapunta niya sa Bethlehem na ganito ang bilin, Hanapin ninyong mabuti ang sanggol. Kapag natagpuan ninyo siya, ipagbigay-alam agad ninyo sa akin upang ako man ay pumunta roon at sumamba rin sa kanya. 9-10 Pagkarinig sa bilin ng hari, silay nagpatuloy na sa paghahanap; silay pinangunahan ng bituing nakita nila mula sa silangan. Ganoon na lamang ang kanilang kagalakan nang makita nilang tumigil ang bituin sa tapat ng kinaroroonan ng bata. 11 Pagpasok sa bahay, nakita nila ang bata sa piling ni Maria na kanyang ina. Nagpatirapa sila at sinamba ang bata. Inihandog din nila sa kanya ang mga dala nilang ginto, insenso at mira. Pagtakas Papunta sa Egipto guhit ni Gustave Dore Mateo 2:13-14 - Pagkaalis ng mga matatalinong tao, nagpakita kay Jose sa panaginip ang isang anghel ng Panginoon. Sinabi nito sa kanya, Bumangon kat dalhin mo agad sa Egipto ang iyong mag-ina. At huwag kayong aalis doon hanggat hindi ko sinasabi sapagkat hahanapin ni Herodes ang bata upang patayin. Bumangon nga si Jose at nang gabi ring iyon, dinala niya sa Egipto ang kanyang mag-ina. 12 Nang silay papauwi na, nakatanggap sila ng babala sa pamamagitan ng panaginip na huwag nang bumalik kay Herodes, kayat nag-iba na sila ng daan pauwi. Ang Pagtakas Papunta sa Egipto 13 Pagkaalis ng mga matatalinong tao, nagpakita kay Jose sa panaginip ang isang anghel ng Panginoon. Sinabi nito sa kanya, Bumangon kat dalhin mo agad sa Egipto ang iyong mag-ina. At huwag kayong aalis doon hanggat hindi ko sinasabi sapagkat hahanapin ni Herodes ang bata upang patayin. 14 Bumangon nga si Jose at nang gabi ring iyon, dinala niya sa Egipto ang kanyang mag-ina. 15 Doon sila nanirahan hanggang sa mamatay si Herodes. Sa gayon, natupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta: Tinawag ko ang aking anak mula sa Egipto. Ipinapatay ang Maliliit na Batang Lalaki 16 Galit na galit si Herodes nang malaman niyang nilinlang siya ng mga matatalinong tao. Kayat ipinapatay niya ang lahat ng batang lalaki sa Bethlehem at sa palibot nito mula sa gulang na dalawang taon pababa, batay sa panahong sinabi sa kanya ng mga matatalinong tao. Ipinapatay ang Maliliit na Batang Lalaki guhit ni Gustave Dore Mateo 2:16 - Galit na galit si Herodes nang malaman niyang nilinlang siya ng mga matatalinong tao. Kayat ipinapatay niya ang lahat ng batang lalaki sa Bethlehem at sa palibot nito mula sa gulang na dalawang taon pababa, batay sa panahong sinabi sa kanya ng mga matatalinong tao. 17 Sa gayon, natupad ang sinabi ni Propeta Jeremias: 18 Narinig sa Rama ang isang tinig, tinig ng pananangis at ng malakas na panaghoy. Tinatangisan ni Raquel ang kanyang mga anak. Ayaw niyang paaliw sapagkat patay na sila. Ang Pagbalik Mula sa Egipto 19 Pagkamatay ni Herodes, nagpakita kay Jose sa panaginip ang isang anghel ng Panginoon habang siyay nasa Egipto. 20 Sinabi sa kanya ng anghel, Bumangon ka. Iuwi mo na sa Israel ang iyong mag-ina sapagkat patay na ang mga nagtatangka sa buhay ng bata. 21 Kayat bumangon nga si Jose at iniuwi sa Israel ang kanyang mag-ina. 22 Ngunit nang mabalitaan niyang naghahari sa Judea si Arquelao na anak ni Herodes, natakot siyang pumunta roon. At dahil binigyan siya ng babala sa kanyang panaginip, sila ay tumuloy sa Galilea, 23 at doon nanirahan sa bayan ng Nazaret. Sa gayon, natupad ang sinabi ng mga propeta: Siyay tatawaging Nazareno. Like · Reply · October 30 at 4:09pm Bagong Magandang Balita Biblia- Bagong Tipan Mateo 3: 1-17 Ang Pangangaral ni Juan na Tagapagbautismo (Marcos 1: 1-8)(Lucas 3: 1-18)(Juan 1: 19-28) 1 Nang mga panahong iyon, dumating si Juan na Tagapagbautismo sa ilang ng Judea at nagsimulang mangaral. 2 Ganito ang kanyang sinasabi, Magsisi na kayo at talikuran ang inyong mga kasalanan, sapagkat malapit nang dumating ang kaharian ng langit! 3 Si Juan ang tinutukoy ni Propeta Isaias nang sabihin niya, Ito ang pahayag ng isang taong sumisigaw sa ilang: Ihanda ninyo ang daraanan ng Panginoon, gumawa kayo ng mga tuwid na landas na kanyang lalakaran! 4 Gawa sa balahibo ng kamelyo ang damit ni Juan, at sa balat naman ng hayop ang kanyang sinturon. Ang kanya namang pagkain ay balang at pulot-pukyutan. 5 Dinayo siya ng mga tao mula sa Jerusalem, sa buong Judea, at sa magkabilang panig ng Ilog Jordan. 6 Ipinahayag nila ang kanilang mga kasalanan at silay binautismuhan niya sa Ilog Jordan. 7 Nang makita niyang lumalapit din sa kanya ang maraming Pariseo at mga Saduseo upang magpabautismo, sinabi niya sa kanila, Lahi ng mga ulupong! Akala ba ninyoy makakatakas kayo sa parusa ng Diyos? 8 Patunayan muna ninyo sa inyong mga buhay na kayoy talagang nagsisisi na, 9 at huwag ninyong akalain na makakaiwas kayo sa parusa ng Diyos dahil sinasabi ninyong ama ninyo si Abraham. Sinasabi ko sa inyo na kahit sa mga batong ito ay makakalikha ang Diyos ng tunay na mga anak ni Abraham. 10 Ngayon pa lamang ay nakahanda na ang palakol sa ugat ng mga punongkahoy; ang bawat punong hindi mabuti ang bunga ay puputulin at itatapon sa apoy. 11 Binabautismuhan ko kayo sa tubig bilang tanda ng inyong pagsisisi at pagtalikod sa kasalanan. Ngunit ang darating na kasunod ko ang siyang magbabautismo sa inyo sa Espiritu Santo at sa apoy. Higit siyang makapangyarihan kaysa akin; ni hindi man lamang ako karapat-dapat magdala ng kanyang sandalyas. 12 Hawak na niya ang kanyang kalaykay upang alisin ang dayami. Titipunin niya sa kamalig ang trigo ngunit ang ipa ay susunugin sa apoy na di mamamatay kailanman. Binautismuhan si Jesus (Marcos 1: 9-11)(Lucas 3: 21-22) 13 Dumating si Jesus sa Ilog Jordan mula sa Galilea upang magpabautismo kay Juan. 14 Ngunit tumututol si Juan at patuloy na sinabi, Ako po ang dapat magpabautismo sa inyo! Bakit kayo nagpapabautismo sa akin? 15 Subalit sumagot si Jesus, Hayaan mo ito ang mangyari ngayon; sapagkat ito ang nararapat nating gawin upang matupad ang kalooban ng Diyos. Kayat pumayag din si Juan. 16 Nang siyay mabautismuhan, umahon si Jesus sa tubig. Biglang nabuksan ang langit at nakita ni Jesus ang Espiritu ng Diyos na bumababang parang isang kalapati at dumapo sa kanya. 17 At isang tinig mula sa langit ang nagsabi, Ito ang minamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan! Like · Reply · October 30 at 4:09pm Bagong Magandang Balita Biblia- Bagong Tipan Mateo 4: 1-25 Ang Pagtukso kay Jesus (Marcos 1:12-13)(Lucas 4:1-13) 1 Pagkatapos, si Jesus ay dinala ng Espiritu sa ilang upang tuksuhin ng diyablo. 2 Siyay nag-ayuno sa loob ng apatnapung araw at apatnapung gabi kayat siyay nagutom. 3 Dumating ang diyablo at sinabi sa kanya, Kung ikaw ang Anak ng Diyos, gawin mo ngang tinapay ang mga batong ito. 4 Ngunit sumagot si Jesus, Nasusulat, Ang taoy hindi lamang sa tinapay nabubuhay, kundi sa bawat salitang nagmumula sa bibig ng Diyos. 5 Pagkatapos, dinala siya ng diyablo sa Jerusalem, ang banal na lunsod, at pinatayo sa taluktok ng Templo. 6 Sinabi nito sa kanya, Kung ikaw ang Anak ng Diyos, magpatihulog ka, sapagkat nasusulat, Sa kanyang mga anghel, ikay itatagubilin, at sa kanilang mga kamay, ikay aalalayan, nang sa mga bato, paa moy hindi masasaktan. 7 Ngunit sumagot si Jesus, Nasusulat din naman, Huwag mong susubukin ang Panginoon mong Diyos. 8 Pagkatapos, dinala naman siya ng diyablo sa isang napakataas na bundok at ipinakita sa kanya ang lahat ng kaharian sa daigdig at ang kapangyarihan ng mga ito. 9 Sinabi ng diyablo sa kanya, Ibibigay ko sa iyo ang lahat ng ito kung magpapatirapa ka at sasamba sa akin. 10 Kayat sumagot si Jesus, Lumayas ka Satanas! Sapagkat nasusulat, Ang Panginoon mong Diyos ang dapat mong sasambahin. At siya lamang ang dapat mong paglilingkuran. 11 Pagkatapos, iniwan na siya ng diyablo. Dumating naman ang mga anghel at siyay pinaglingkuran nila. Ang Simula ng Paglilingkod ni Jesus sa Galilea (Marcos 1:14-15) (Lucas 4:14-15) 12 Nang mabalitaan ni Jesus na ibinilanggo si Juan, bumalik siya sa Galilea. 13 Ngunit hindi na siya sa Nazaret nanirahan, kundi sa bayan ng Capernaum na nasa baybayin ng Lawa ng Galilea na sakop ng Zebulun at Neftali. 14 Sa gayon, natupad ang sinabi ni Propeta Isaias, 15 Lupain ng Zebulun at lupain ng Neftali, daanang papunta sa lawa, sa ibayo ng Jordan, sa Galilea ng mga Hentil! 16 Ang mga taong nasa kadiliman ay nakakita ng maningning na ilaw! Sa mga nakatira sa lilim ng kamatayan ay sumikat ang liwanag. 17 Magmula noon ay nangaral na si Jesus. Itinuturo niyang, Magsisi na kayo at talikuran ang inyong mga kasalanan sapagkat malapit nang dumating ang kaharian ng langit. Ang Pagtawag sa Apat na Mangingisda (Marcos 1:16-20)( Lucas 5:1-11) 18 Minsan, naglalakad si Jesus sa tabi ng Lawa ng Galilea. Nakita niyang naghahagis ng lambat sa lawa ang dalawang mangingisda, si Simon na tinatawag ding Pedro, at ang kapatid niyang si Andres. 19 Sinabi ni Jesus sa kanila, Sumunod kayo sa akin at gagawin ko kayong mga mangingisda ng mga tao. 20 Noon diy iniwan nila ang kanilang mga lambat at sumunod kay Jesus. 21 Nagpatuloy siya ng paglalakad at nakita rin niya ang magkapatid na Santiago at Juan na mga anak ni Zebedeo. Silay nasa bangka kasama ng kanilang ama, at nag-aayos ng lambat. Tinawag din sila ni Jesus. 22 Agad nilang iniwan ang bangka at ang kanilang ama, at sumunod kay Jesus. Pangangaral at Pagpapagaling ni Jesus (Lucas 6:17-19) 23 Nilibot ni Jesus ang buong Galilea. Nagtuturo siya sa mga sinagoga at ipinapangaral ang Magandang Balita tungkol sa paghahari ng Diyos. Pinapagaling din niya ang lahat ng mga taong may sakit at karamdaman. 24 Ang balita tungkol sa kanya ay kumalat sa buong Siria kayat dinadala sa kanya ang lahat ng maysakit at mga nahihirapan dahil sa ibat ibang karamdaman, mga sinasapian ng mga demonyo, mga may epilepsya at mga paralitiko. Silang lahat ay kanyang pinagaling. 25 Dahil dito, sinusundan siya ng napakaraming tao buhat sa Galilea, sa Decapolis, Jerusalem, Judea, at maging sa ibayo ng Jordan. Like · Reply · October 30 at 4:08pm Bagong Magandang Balita Biblia- Bagong Tipan Mateo 5: 1-48 Ang Sermon sa Bundok 1 Nang makita ni Jesus ang napakaraming tao, umakyat siya sa bundok. Pagkaupo niya lumapit ang kanyang mga alagad 2 at silay tinuruan niya. Ang mga Mapapalad (Lucas 6:20-23) Ang Sermon sa Bundok guhit ni Gustave Dore Mateo 5:7-10 - Mapalad ang mga mahabagin, sapagkat kahahabagan sila ng Diyos. Mapalad ang mga may malinis na puso, sapagkat makikita nila ang Diyos. Mapalad ang mga gumagawa ng paraan para sa kapayapaan, sapagkat silay ituturing na mga anak ng Diyos .Mapalad ang mga inuusig nang dahil sa kanilang pagsunod sa kalooban ng Diyos, sapagkat mapapabilang sila sa kaharian ng langit. 3 Mapalad ang mga taong walang inaasahan kundi ang Diyos, sapagkat mapapabilang sila sa kaharian ng langit. 4 Mapalad ang mga nagdadalamhati, sapagkat aaliwin sila ng Diyos. 5 Mapalad ang mga mapagpakumbaba, sapagkat mamanahin nila ang daigdig. 6 Mapalad ang mga nagugutom at nauuhaw sa katuwiran, sapagkat silay bubusugin. 7 Mapalad ang mga mahabagin, sapagkat kahahabagan sila ng Diyos. 8 Mapalad ang mga may malinis na puso, sapagkat makikita nila ang Diyos. 9 Mapalad ang mga gumagawa ng paraan para sa kapayapaan, sapagkat silay ituturing na mga anak ng Diyos. 10 Mapalad ang mga inuusig nang dahil sa kanilang pagsunod sa kalooban ng Diyos, sapagkat mapapabilang sila sa kaharian ng langit. 11 Mapalad ang mga nilalait at inuusig ng mga tao, at pinaparatangan ng lahat ng uri ng kasamaan na pawang kasinungalingan a nang dahil sa akin. 12 Magsaya kayo at magalak sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit. Gayundin ang ginawa ng mga tao sa mga propetang nauna sa inyo. Asin at Ilaw (Marcos 9:50)(Lucas 14:34-35) 13 Kayo ang asin ng sangkatauhan. Ngunit kung ang asin ay mawalan na ng alat, paano pa ito mapapaalat muli? Hindi ba wala na itong kabuluhan kundi ang itapon at tapakan ng mga tao? 14 Kayo ang ilaw ng sanlibutan. Ang isang lunsod na nakatayo sa ibabaw ng burol ay hindi maitatago. 15 Wala din namang taong nagsisindi ng ilaw at pagkatapos ay inilalagay iyon sa ilalim ng malaking takalan. b Sa halip, inilalagay iyon sa talagang patungan upang matanglawan ang lahat ng nasa bahay. 16 Gayundin naman, dapat ninyong paliwanagin ang inyong ilaw sa harap ng mga tao upang makita nila ang inyong mabubuting gawa at papurihan ang inyong Ama na nasa langit. Katuruan Tungkol sa Kautusan 17 Huwag ninyong akalaing naparito ako upang ipawalang-bisa ang Kautusan at ang mga Propeta. c Naparito ako hindi upang ipawalang-bisa ang mga iyon kundi upang tuparin. 18 Tandaan ninyo: maglalaho ang langit at ang lupa, ngunit ni isang tuldok o kudlit man ng Kautusan ay di mawawalan ng bisa hanggat hindi natutupad ang lahat. 19 Kayat sinumang magpawalang-bisa sa kaliit-liitang bahagi nito, at magturo nang gayon sa mga tao, ay magiging pinakamababa sa kaharian ng langit. Ngunit ang sumusunod sa Kautusan at nagtuturo sa mga tao na tuparin iyon ay magiging dakila sa kaharian ng langit. 20 Sinasabi ko sa inyo, kung ang pagsunod ninyo sa kalooban ng Diyos ay tulad lamang ng pagsunod ng mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo, hinding-hindi kayo makakapasok sa kaharian ng langit. Ang Katuruan Tungkol sa Pagkagalit 21 Narinig ninyo na iniutos ng Diyos sa inyong mga ninuno, Huwag kang papatay; ang sinumang pumatay ay mananagot sa hukuman. 22 Ngunit sinasabi ko naman sa inyo, ang sinumang napopoot sa kanyang kapatid ay mananagot sa hukuman, ang humahamak sa kanyang kapatid ay mananagot sa Sanedrin, at sinumang magsabi sa kanyang kapatid, Ulol ka! ay nanganganib na maparusahan sa apoy ng impiyerno. 23 Kayat kung mag-aalay ka ng handog sa dambana para sa Diyos at naalala mong may sama ng loob sa iyo ang iyong kapatid, 24 iwan mo muna ang iyong handog sa harap ng dambana at makipagkasundo ka sa kanya. Pagkatapos, magbalik ka at maghandog sa Diyos. 25 Kung may ibig magsakdal sa iyo, makipag-ayos ka agad sa kanya bago makarating sa hukuman ang inyong kaso. Kung hindi ay dadalhin ka niya sa hukom, at ibibigay ka nito sa tanod, at ikukulong ka naman sa bilangguan. 26 Tandaan mo: hindi ka makakalabas doon hanggat hindi mo nababayaran ang kahuli-hulihang piso na dapat mong bayaran. Ang Katuruan Laban sa Pangangalunya 27 Narinig ninyong sinabi, Huwag kang mangangalunya. 28 Ngunit sinasabi ko sa inyo, ang sinumang tumingin sa isang babae nang may mahalay na pagnanasa ay nangangalunya na sa babaing iyon sa kanyang puso. 29 Kung ang kanang mata mo ay nagiging sanhi ng iyong pagkakasala, dukitin mo ito at itapon! Mabuti pang mawalan ka ng isang bahagi ng iyong katawan kaysa ang buo mong katawan ang itapon sa impiyerno. 30 Kung ang iyong kanang kamay naman ay nagiging sanhi ng iyong pagkakasala, putulin mo ito at itapon! Mabuti pang mawalan ka ng isang bahagi ng iyong katawan kaysa ang buo mong katawan ang itapon sa impiyerno. Paghihiwalay Dahil sa Pangangalunya (Mateo 19:9)(Marcos 10:11-12)(Lucas 16:18) 31 Sinabi rin naman, Kapag pinalayas at hiniwalayan ng isang lalaki ang kanyang asawa, itoy dapat niyang bigyan ng kasulatan ng paghihiwalay. 32 Ngunit sinasabi ko sa inyo, kapag pinalayas at hiniwalayan ng isang lalaki ang kanyang asawa, maliban kung ito ay nangangalunya, d itinutulak niya ang kanyang asawa sa kasalanang pangangalunya, at sinumang makipag-asawa sa babaing pinalayas at hiniwalayan ay nagkakasala rin ng pangangalunya. Katuruan Tungkol sa Panunumpa 33 Narinig din ninyong iniutos ng Diyos sa inyong mga ninuno, Huwag kang susumpa nang walang katotohanan; sa halip, tuparin mo ang iyong sinumpaang panata sa Panginoon. 34 Ngunit sinasabi ko sa inyo, huwag na kayong manunumpa kapag kayoy nangangako. Huwag ninyong sasabihing, Saksi ko ang langit, sapagkat itoy trono ng Diyos; 35 o kayay, Saksi ko ang lupa, sapagkat itoy kanyang tuntungan. Huwag din ninyong sasabihing, Saksi ko ang Jerusalem, sapagkat itoy lunsod ng dakilang Hari. 36 Huwag mo ring ipanumpa ang iyong ulo, sapagkat ni isang buhok sa iyong ulo ay hindi mo kayang paputiin o paitimin. 37 Sabihin mo na lang na Oo kung oo at Hindi kung hindi, sapagkat ang anumang sumpang idaragdag dito ay buhat na sa Masama. Katuruan Laban sa Paghihiganti (Lucas 6:29-30) 38 Narinig ninyong sinabi, Mata sa mata at ngipin sa ngipin. 39 Ngunit sinasabi ko sa inyo, huwag ninyong paghihigantihan ang masamang tao. Kung sinampal ka sa kanang pisngi, iharap mo rin sa kanya ang kaliwa. 40 Kung isakdal ka ninuman upang makuha ang iyong damit panloob, ibigay mo ito sa kanya pati ang iyong damit na pangbalabal. 41 Kung pilitin ka ng manlulupig na pasanin ang kanyang dala ng isang milya, e pasanin mo iyon ng dalawang milya. 42 Bigyan mo ang nanghihingi sa iyo at huwag mong tanggihan ang nanghihiram sa iyo. Pagmamahal sa Kaaway (Lucas 6:27-28, 32-36) 43 Narinig ninyong sinabi, Ibigin mo ang iyong kapwa at kamuhian mo ang iyong kaaway. 44 Ngunit ito naman ang sinasabi ko, ibigin ninyo ang inyong mga kaaway at ipanalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo, 45 upang kayoy maging tunay na mga anak ng inyong Ama na nasa langit. Sapagkat pinasisikat niya ang araw sa mabubuti gayon din sa masasama, at nagpapaulan siya sa mga matuwid at sa mga di-matuwid. 46 Kung ang mga nagmamahal sa inyo ang siya lamang ninyong mamahalin, anong gantimpala ang inyong maaasahan? Hindi bat ginagawa rin iyan ng mga maniningil ng buwis? 47 At kung ang mga kapatid lamang ninyo ang inyong binabati, ano ang ginagawa ninyong higit kaysa iba? Hindi bat ginagawa rin iyan ng mga Hentil? 48 Kaya maging ganap kayo, gaya ng inyong Ama na nasa langit. Like · Reply · October 30 at 4:08pm Bagong Magandang Balita Biblia- Bagong Tipan Mateo 6: 1-34 Katuruan Tungkol sa Paglilimos 1 Pag-ingatan ninyong hindi pakitang-tao lamang ang paggawa ninyo ng mabuti. Kapag ganyan ang ginawa ninyo, wala kayong matatamong gantimpala buhat sa inyong Ama na nasa langit. 2 Kaya nga, kapag naglilimos ka, huwag mo nang ipag-ingay pa gaya ng ginagawa ng mga mapagkunwari. Naglilimos sila sa mga sinagoga at sa mga lansangan upang silay mapuri ng mga tao. Tandaan ninyo: tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. 3 Sa halip, kapag naglilimos ka, huwag mo nang ipaalam ito sa pinakamatalik mong kaibigan. 4 Gawin mong lihim ang iyong paglilimos at ang iyong Ama na nakakakita ng kabutihang ginagawa mo nang lihim ang siyang magbibigay ng gantimpala sa iyo. Katuruan Tungkol sa Pananalangin (Lucas 11:2-4) 5 Kapag nananalangin kayo, huwag kayong tumulad sa mga mapagkunwari. Mahilig silang manalanging nakatayo sa mga sinagoga at sa mga kanto upang makita ng mga tao. Tandaan ninyo: tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. 6 Ngunit kapag mananalangin ka, pumasok ka sa iyong silid at isara mo ang pinto. Saka ka manalangin sa iyong Ama na hindi mo nakikita, at ang iyong Ama na nakakakita ng ginagawa mo sa lihim ang siyang magbibigay sa iyo ng gantimpala. 7 Sa pananalangin ninyoy huwag kayong gagamit ng maraming salitang walang kabuluhan, gaya ng ginagawa ng mga Hentil. Ang akala nilay papakinggan sila ng Diyos dahil sa haba ng kanilang sinasabi. 8 Huwag ninyo silang tutularan. Alam na ng inyong Ama na nasa langit ang inyong kailangan bago pa ninyo ito hingin sa kanya. 9 Ganito kayo mananalangin, Ama naming nasa langit, sambahin nawa ang iyong pangalan. 10 Naway maghari ka sa amin. Sundin nawa ang iyong kalooban dito sa lupa tulad ng sa langit. 11 Bigyan mo kami ngayon ng aming pagkain sa araw-araw; a 12 at patawarin mo kami sa aming mga kasalanan, tulad ng pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa amin. 13 At huwag mo kaming hayaang matukso, kundi iligtas mo kami sa Masama! b 14 Sapagkat kung pinapatawad ninyo ang mga nagkakasala sa inyo, patatawarin din kayo ng inyong Ama na nasa langit. 15 Ngunit kung hindi ninyo pinapatawad ang iba, c hindi rin naman patatawarin ng inyong Ama ang inyong mga kasalanan. Katuruan Tungkol sa Pag-aayuno 16 Kapag kayoy nag-aayuno, huwag kayong magmukhang malungkot tulad ng mga mapagkunwari. Hindi sila nag-aayos ng sarili upang mapansin ng mga tao na silay nag- aayuno. Tandaan ninyo: tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. 17 Sa halip, kapag nag-aayuno ka, maghilamos ka, lagyan mo ng langis at ayusin mo ang iyong buhok 18 upang huwag mapansin ng mga tao na ikaw ay nag-aayuno. Ang iyong Ama na hindi mo nakikita ang tanging makakaalam nito. Siya, na nakakakita ng ginagawa mo nang lihim, ang siyang magbibigay ng gantimpala sa iyo. Ang Kayamanan sa Langit (Lucas 12:33-34) 19 Huwag kayong mag-impok ng mga kayamanan dito sa lupa; ditoy may naninirang insekto at kalawang, at may nakakapasok na magnanakaw. 20 Sa halip, mag-impok kayo ng kayamanan sa langit; dooy walang naninirang insekto at kalawang, at walang nakakapasok na magnanakaw. 21 Sapagkat kung saan naroroon ang iyong kayamanan, naroroon din ang iyong puso. Ang Ilaw ng Katawan (Lucas 11:34-36) 22 Ang mata ang ilaw ng katawan. Kung malinaw ang iyong paningin, maliliwanagan ang iyong buong katawan. 23 Ngunit kung malabo ang iyong paningin, mapupuno ng kadiliman ang iyong buong katawan. At kung ang liwanag moy madilim, ikaw nga ay tunay na nasa kadiliman. Diyos o Kayamanan? (Lucas 16:13)(Lucas 12:22-31) 24 Walang aliping makakapaglingkod nang sabay sa dalawang panginoon, sapagkat kapopootan niya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran nang tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa. Hindi kayo maaaring maglingkod nang sabay sa Diyos at sa kayamanan. 25 Kayat sinasabi ko sa inyo, huwag kayong mabalisa tungkol sa inyong kakainin at sa inyong iinumin d upang kayoy mabuhay o kayay tungkol sa susuutin ng inyong katawan. Hindi bat ang buhay ay higit na mahalaga kaysa pagkain at ang katawan kaysa damit? 26 Masdan ninyo ang mga ibon. Hindi sila nagtatanim ni umaani man o kayay nagtitipon sa kamalig, ngunit pinapakain sila ng inyong Ama na nasa langit. Hindi bat higit kayong mahalaga kaysa mga ibon? 27 Sino sa inyo ang makakapagpahaba ng kanyang buhay nang kahit isang oras sa pamamagitan ng kanyang pagkabalisa? 28 At bakit kayo nababalisa tungkol sa pananamit? Isipin ninyo kung paano tumutubo ang mga bulaklak sa parang; hindi sila nagtatrabaho ni gumagawa ng damit. 29 Ngunit sinasabi ko sa inyo, kahit si Solomon na napakayaman ay hindi nakapagdamit ng singganda ng isa sa mga bulaklak na ito. 30 Kung dinaramtan ng Diyos ang damo sa parang, na buhay ngayon, at kinabukasan ay iginagatong sa kalan, kayo pa kaya? Kay liit ng inyong pananampalataya sa kanya! 31 Kayat huwag kayong mag-alalang baka kayo kapusin sa pagkain, inumin o damit. 32 Hindi bat ang mga Hentil ang nababahala tungkol sa mga bagay na iyan? Alam na ng inyong Ama na nasa langit na kailangan ninyo ang lahat ng iyan. 33 Ngunit higit sa lahat ay pagsikapan ninyo na kayoy pagharian ng Diyos e at mamuhay nang ayon sa kanyang kalooban, at ibibigay niya sa inyo ang lahat ng inyong pangangailangan. 34 Kaya nga, huwag ninyong ikabalisa ang para sa araw ng bukas; dahil ang bukas ang bahala sa sarili nito. Sapat na ang inyong mga suliranin sa bawat araw. Like · Reply · October 30 at 4:07pm Bagong Magandang Balita Biblia- Bagong Tipan Mateo 7: 1-29 Paghatol sa Kapwa (Lucas 6: 37-38, 41-42) 1 Huwag kayong humatol, nang kayoy di hatulan. 2 Sapagkat hahatulan kayo ng Diyos ayon sa paghatol ninyo sa iba, at susukatin kayo ayon sa panukat na ginagamit ninyo sa iba. 3 Bakit mo pinapansin ang puwing sa mata ng iyong kapatid ngunit hindi mo pinapansin ang trosong nasa iyong mata? 4 Paano mong masasabi sa iyong kapatid, Halikat aalisin ko ang puwing mo, gayong troso ang nasa mata mo? 5 Mapagkunwari! Alisin mo muna ang trosong nasa iyong mata at sa gayon, makakakita kang mabuti at maaalis mo ang puwing ng iyong kapatid. 6 Huwag ninyong ibigay sa mga aso ang bagay na banal, baka pagkatapos ay kayo pa ang balingan at sakmalin nila. Huwag ninyong ihagis sa baboy ang inyong mga perlas sapagkat yuyurakan lamang nila ang mga iyon. Humingi, Humanap, Kumatok (Lucas 11:9-13) 7 Humingi kayo at kayoy bibigyan; humanap kayo at kayoy makakatagpo; kumatok kayo at kayoy pagbubuksan. 8 Sapagkat ang bawat humihingi ay tatanggap; ang bawat humahanap ay makakatagpo; at ang bawat kumakatok ay pagbubuksan. 9 Bibigyan ba ninyo ng bato ang inyong anak kapag siyay humihingi ng tinapay? 10 Bibigyan ba ninyo siya ng ahas kapag siyay humihingi ng isda? 11 Kung kayong masasama ay marunong magbigay ng mabubuting bagay sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama na nasa langit? Bibigyan niya ng mabubuting bagay ang sinumang humihingi sa kanya! 12 Gawin ninyo sa inyong kapwa ang nais ninyong gawin nila sa inyo. Ito ang buod ng Kautusan at ng mga isinulat ng mga propeta. Ang Makipot na Pintuan (Lucas 13:24) 13 Pumasok kayo sa makipot na pintuan. Sapagkat maluwang ang pintuan at malapad ang daang papunta sa kapahamakan, at ito ang dinaraanan ng marami. 14 Ngunit makipot ang pintuan at makitid ang daang papunta sa buhay, at kakaunti ang nagdaraan doon. Sa Gawa Makikilala (Lucas 6:43-44) 15 Mag-ingat kayo sa mga hindi tunay na propeta. Lumalapit sila sa inyo na parang tupa, ngunit ang totooy mababangis na asong-gubat. 16 Makikilala ninyo sila sa kanilang mga gawa. Mapipitas ba ang ubas sa puno ng dawag, o ang igos sa matitinik na halaman? 17 Mabuti ang bunga ng mabuting puno, subalit masama ang bunga ng masamang puno. 18 Hindi maaaring mamunga ng masama ang mabuting puno at hindi maaaring mamunga ng mabuti ang masamang puno. 19 Ang bawat punong hindi mabuti ang bunga ay puputulin at itatapon sa apoy. 20 Kayat makikilala ninyo ang mga hindi tunay na propeta ayon sa kanilang mga gawa. Hindi Ko Kayo Nakikilala (Lucas 13:25-27) 21 Hindi lahat ng tumatawag sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit, kundi ang mga tao lamang na sumusunod sa kalooban ng aking Ama na nasa langit. 22 Sa Araw ng Paghuhukom marami ang magsasabi sa akin, Panginoon, hindi po ba kami ay nagpahayag ng mensahe mula sa Diyos, nagpalayas ng mga demonyo at gumawa ng mga himala sa iyong pangalan? 23 Ngunit sasabihin ko sa kanila, Hindi ko kayo nakikilala. Lumayo kayo sa akin, kayong mga gumagawa ng kasamaan. Sa Bato o sa Buhanginan? (Lucas 6:47-49) 24 Kayat ang bawat nakikinig at nagsasagawa ng mga salita kong ito ay maitutulad sa isang taong matalino na nagtayo ng kanyang bahay na ang pundasyon ay bato. 25 Umulan nang malakas, bumaha, at binayo ng malakas na hangin ang bahay na iyon, ngunit hindi nagiba sapagkat nakatayo iyon sa bato. 26 Ang bawat nakikinig ng aking salita ngunit hindi naman nagsasagawa ng mga aral na ito ay maitutulad naman sa isang taong hangal na nagtayo ng kanyang bahay sa may buhanginan. 27 Umulan nang malakas, bumaha at binayo ng malakas na hangin ang bahay. Ito ay bumagsak at lubusang nawasak. Ang Kapangyarihan ni Jesus 28 Namangha kay Jesus ang mga tao nang kanilang marinig ang mga katuruang ito 29 sapagkat nagturo siya nang may kapangyarihan, hindi tulad ng mga tagapagturo ng Kautusan. 7:2 Marcos 4:24 Like · Reply · October 30 at 4:07pm Bagong Magandang Balita Biblia- Bagong Tipan Mateo 8: 1-34 Pinagaling ni Jesus ang Isang Ketongin (Marcos 1: 40-45)(Lucas 5: 12-16) 1 Nang makababa si Jesus mula sa bundok, sinundan siya ng napakaraming tao. 2 Lumapit sa kanya ang isang taong may ketong, a lumuhod sa harapan niya, at sinabi, Panginoon, kung nais po ninyo, akoy inyong mapapagaling at magagawang malinis. 3 Hinawakan siya ni Jesus at sinabi, Oo, nais kong gumaling ka at maging malinis. At gumaling at luminis nga agad ang ketongin. 4 Pagkatapos, sinabi sa kanya ni Jesus, Huwag mong sasabihin ito kaninuman. Sa halip, pumunta ka at magpasuri sa pari. Pagkatapos, mag-alay ka ng handog na iniuutos ni Moises bilang patunay sa mga tao na ikaw ngay magaling at malinis na. Ang Pagpapagaling sa Katulong ng Kapitang Romano (Lucas 7:1-10) 5 Pagpasok ni Jesus sa Capernaum, lumapit sa kanya ang isang opisyal ng hukbong Romano at nakiusap, 6 Ginoo, ang katulong ko po ay naparalisado. Siya poy nakaratay sa bahay at lubhang nahihirapan. 7 Sinabi ni Jesus, Pupuntahan ko siya at pagagalingin. 8 Ngunit sumagot sa kanya ang opisyal, Ginoo, hindi po ako karapat-dapat na puntahan pa ninyo sa aking bahay. Sabihin lamang po ninyo at gagaling na ang aking katulong. 9 Akoy nasa ilalim ng mga nakakataas na pinuno at may nasasakupan ding mga kawal. Kapag inutusan ko ang isa, Pumunta ka roon! siyay pumupunta; at ang isa naman, Halika! siyay lumalapit. Kapag sinabi ko sa aking alipin, Gawin mo ito! ginagawa nga niya iyon. 10 Namangha si Jesus nang marinig ito at sinabi niya sa mga taong sumusunod sa kanya, Tandaan ninyo: hindi pa ako nakakita ng ganito kalaking pananampalataya sa buong Israel. 11 Tandaan ninyo: marami ang darating buhat sa silangan at sa kanluran at dudulog sa hapag na kasalo nina Abraham, Isaac at Jacob sa kaharian ng langit. 12 Ngunit ang mga taong dapat sanay kasama sa kaharian ay itatapon sa kadiliman; mananangis sila doon at magngangalit ang kanilang mga ngipin. 13 At sinabi ni Jesus sa opisyal, Umuwi ka na; mangyayari ang hinihiling mo ayon sa iyong pananampalataya. Sa oras ding iyon ay gumaling ang katulong ng kapitan. Maraming Pinagaling si Jesus (Marcos 1:29-34)(Lucas 4:38-41) 14 Pumunta si Jesus sa bahay ni Pedro at nakita niya roon ang biyenan nito na nakaratay at nilalagnat. 15 Hinawakan ni Jesus ang kamay ng babae at itoy gumaling agad, bumangon at nagsimulang maglingkod sa kanya. 16 Nang gabing iyon, dinala kay Jesus ang maraming sinasapian ng mga demonyo. Sa isang salita lamang ay pinalayas niya ang masasamang espiritu at pinagaling ang lahat ng may karamdaman. 17 Sa gayon, natupad ang sinabi ni Propeta Isaias, Inalis niya ang ating mga kahinaan, pinagaling ang ating mga karamdaman. Ang Paglilingkod kay Jesus (Lucas 9:57-62) 18 Nang makita ni Jesus ang mga tao b sa kanyang paligid, iniutos niya sa mga alagad na maghandang tumawid sa kabilang ibayo. 19 Lumapit sa kanya ang isang tagapagturo ng Kautusan at sinabi, Guro, sasama po ako sa inyo saanman kayo pupunta. 20 Ngunit sumagot si Jesus, May mga lungga ang mga asong-gubat at may mga pugad ang mga ibon, ngunit wala man lamang matulugan o mapagpahingahan ang Anak ng Tao. 21 Isa naman sa mga alagad c ay nagsabi sa kanya, Panginoon, maaari po bang umuwi muna ako upang ipalibing ko ang aking ama? 22 Ngunit sinabi sa kanya ni Jesus, Maglingkod ka sa akin at ipaubaya mo sa mga patay ang paglilibing ng kanilang mga patay. Pinatigil ni Jesus ang Bagyo sa Lawa (Marcos 4:35-41)(Lucas 8:22-25) 23 Sumakay si Jesus sa bangka, kasama ng kanyang mga alagad. 24 Habang silay naglalayag sa lawa, si Jesus ay natutulog. Biglang bumugso ang isang malakas na unos at halos matabunan ng mga alon ang bangka. 25 Dahil sa labis na takot, si Jesus ay nilapitan at ginising ng mga alagad. Panginoon, tulungan ninyo kami! Lulubog tayo! sabi nila. 26 Ngunit sinabi niya sa kanila, Bakit kayo natatakot? Napakaliit naman ng inyong pananampalataya! Bumangon siya, pinatigil ang hangin at ang mga alon, at bumuti ang panahon. 27 Namangha silang lahat at sinabi, Ano kayang uri ng tao ito? Maging ang hangin at ang lawa ay sumusunod sa kanya! Mga Gadarenong Pinalaya sa Pang-aalipin ng mga Demonyo (Marcos 5:1-20)(Lucas 8:26-39) 28 Nang dumating si Jesus sa kabilang ibayo, sa lupain ng mga Gadareno, d sinalubong siya ng dalawang lalaking sinasapian ng mga demonyo. Sila ay nakatira sa libingan. Napakababangis nila kayat walang sinuman ang dumaraan doon. 29 Biglang nagsisigaw ang dalawang lalaki, Ano ang pakialam mo sa amin, Anak ng Diyos? Naparito ka ba upang pahirapan kami kahit hindi pa panahon? 30 Sa di-kalayuan ay may malaking kawan ng mga baboy na nagsisikain. 31 Nakiusap sa kanya ang mga demonyo, Kung palalayasin mo kami, hayaan mong pumasok kami sa mga baboy na iyon. 32 Sinabi ni Jesus, Sige, lumayas kayo. Lumabas nga sila sa dalawang lalaki at pumasok sa mga baboy. Ang buong kawan ay biglang sumibad ng takbo papunta sa bangin, nahulog sa lawa at nalunod. 33 Nagtakbuhan papuntang bayan ang mga tagapag-alaga ng mga baboy. Pagdating doon, ipinamalita nila ang buong pangyayari, pati ang naganap sa mga lalaking sinasapian ng demonyo. 34 Kayat lumabas ang buong bayan upang salubungin si Jesus. Pagkakita sa kanya, ipinakiusap nilang lisanin niya ang kanilang lupain. Like · Reply · October 30 at 4:06pm Bagong Magandang Balita Biblia- Bagong Tipan Mateo 9: 1-38 Pinagaling ni Jesus ang Isang Paralitiko (Marcos 2: 1-12)(Lucas 5: 17-26) 1 Sumakay si Jesus sa bangka, tumawid sa kabilang ibayo at tumuloy sa sarili niyang bayan. 2 Pagdating doon, dinala sa kanya ng ilang tao ang isang paralitikong nakaratay sa higaan. Nang makita ni Jesus ang kanilang pananampalataya, sinabi niya sa paralitiko, Anak, lakasan mo ang iyong loob! Pinapatawad ka na sa iyong mga kasalanan. 3 May ilang tagapagturo ng Kautusan na naroon at sinabi nila sa kanilang sarili, Nilalapastangan niya ang Diyos. 4 Alam ni Jesus ang kanilang iniisip kayat sinabi niya, Bakit kayo nag-iisip nang ganyan? 5 Ano ba ang mas madali, ang sabihing, pinapatawad na ang iyong mga kasalanan, o ang sabihing, tumayo ka at lumakad? 6 Ngunit upang malaman ninyo na ang Anak ng Tao ay may kapangyarihang magpatawad ng mga kasalanan dito sa lupa... sinabi niya sa paralitiko, Tumayo ka, buhatin mo ang iyong higaan, at umuwi ka na! 7 Tumayo nga ang lalaki at umuwi. 8 Nang makita ito ng mga tao, silay natakot at nagpuri sa Diyos na nagbigay ng ganitong kapangyarihan sa mga tao. Tinawag si Mateo (Marcos 2:13-17)(Lucas 5:27-32) 9 Pag-alis ni Jesus doon, nakita niya si Mateo na nakaupo sa paningilan ng buwis. Sinabi ni Jesus sa kanya, Sumunod ka at maglingkod sa akin. Tumayo nga si Mateo at sumunod sa kanya. 10 Nang si Jesus at ang kanyang mga alagad ay nasa bahay ni Mateo, dumating ang maraming maniningil ng buwis at mga makasalanan. Silay magkakasalong kumain. 11 Nang makita ito ng mga Pariseo, tinanong nila ang kanyang mga alagad, Bakit sumasalo ang inyong guro sa mga maniningil ng buwis at sa mga makasalanan? 12 Narinig sila ni Jesus at siya ang sumagot, Hindi nangangailangan ng manggagamot ang walang sakit kundi ang maysakit. 13 Humayo kayo at unawain ang kahulugan nito: Habag ang nais ko at hindi ang inyong handog. Sapagkat naparito ako upang tawagin ang mga makasalanan, hindi ang mga matuwid. Tinanong si Jesus Tungkol sa Pag-aayuno (Marcos 2:18-22)(Lucas 5:33-39) 14 Lumapit kay Jesus ang mga alagad ni Juan na Tagapagbautismo, at siyay tinanong, Kami po ay madalas a mag-ayuno, gayundin ang mga Pariseo, ngunit bakit hindi po nag-aayuno ang inyong mga alagad? 15 Sumagot siya, Dapat bang malungkot ang mga panauhin sa kasalan habang kasama pa nila ang lalaking ikinasal? Kapag wala na ito, saka pa lamang sila mag-aayuno. 16 Walang nagtatagpi ng bagong tela sa isang lumang kasuotan. Sapagkat kapag umurong ang bagong tela, mababatak nito ang tinagpian at lalong lalaki ang punit. 17 Wala ring nagsasalin ng bagong alak sa lumang sisidlang-balat. Kapag ganoon ang ginawa, puputok ang balat, matatapon ang alak, at mawawasak ang sisidlan. Sa halip, isinasalin ang bagong alak sa bagong sisidlang-balat; at sa gayon, kapwa ito nagtatagal. Pagbuhay na Muli sa Anak ng Pinuno at Pagpapagaling sa Isang Babae (Marcos 5:21-43)(Lucas 8:40-56) 18 Habang sinasabi ni Jesus ang mga bagay na ito, may dumating namang isang pinuno ng mga Judio. Lumuhod ito sa harap niya at nakiusap, Kamamatay po lamang ng aking anak na babae; sumama po kayo sa akin at ipatong ninyo ang inyong kamay sa kanya, at siyay mabubuhay. 19 Tumayo si Jesus at sumama sa kanya, gayundin ang kanyang mga alagad. 20 Habang silay naglalakad, lumapit sa likuran ni Jesus ang isang babaing labindalawang taon nang dinudugo at hinawakan ang laylayan ng kanyang damit. 21 Sinasabi ng babae sa sarili, Mahawakan ko lamang ang kanyang damit, gagaling na ako. 22 Lumingon si Jesus at pagkakita sa kanyay sinabi, Anak, lakasan mo ang iyong loob! Pinagaling ka ng iyong pananampalataya. Noon diy gumaling ang babae. 23 Pagdating ni Jesus sa bahay ng pinuno, nakita niya ang mga manunugtog ng plauta at ang mga taong nagkakaingay. 24 Sinabi niya, Lumabas muna kayo. Hindi patay ang bata; natutulog lamang! At siyay kinutya nila. 25 Nang mapalabas na ang mga tao, pumasok si Jesus sa kuwarto, hinawakan niya sa kamay ang bata at itoy bumangon. 26 Ang pangyayaring ito ay ipinamalita ng mga tao sa buong lupaing iyon. Ang Pagpapagaling sa Dalawang Bulag 27 Pag-alis ni Jesus doon, sinundan siya ng dalawang lalaking bulag. Sumisigaw sila habang nasa daan, Anak ni David, mahabag po kayo sa amin! 28 Nang si Jesus ay nasa loob na ng bahay, lumapit sa kanya ang mga bulag. Tinanong sila ni Jesus, Naniniwala ba kayo na mapapagaling ko kayo? Opo, Panginoon! sagot nila. 29 Hinipo niya ang kanilang mga mata at sinabi, Mangyari ito sa inyo ayon sa inyong pananampalataya. 30 At nakakita nga sila. Mahigpit na ipinagbilin sa kanila ni Jesus na huwag sasabihin iyon kaninuman. 31 Ngunit nang silay makaalis, ipinamalita nila sa buong lupaing iyon ang ginawa sa kanila ni Jesus. Pinagaling ang Piping Sinasaniban ng Demonyo 32 Nang paalis na sila, dinala kay Jesus ang isang piping sinasapian ng demonyo. 33 Pinalayas ni Jesus ang demonyo at nakapagsalita agad ang pipi. Namangha ang mga tao at nasabi nila, Kailanman ay wala pang nakitang katulad nito sa Israel! 34 Subalit sinabi naman ng mga Pariseo, Nakapagpapalayas siya ng mga demonyo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng pinuno ng mga demonyo. b Nahabag si Jesus sa mga Tao 35 Nilibot ni Jesus ang lahat ng mga bayan at nayon doon. Nagtuturo siya sa kanilang mga sinagoga at ipinapangaral ang Magandang Balita tungkol sa paghahari ng Diyos. Pinagaling din niya ang lahat ng mga taong may sakit at karamdaman. 36 Nang makita niya ang napakaraming tao, nahabag siya sa kanila sapagkat silay nanlulupaypay at litung-lito, parang mga tupang walang pastol. 37 Kayat sinabi niya sa kanyang mga alagad, Napakarami nang aanihin, ngunit kakaunti ang mag-aani. 38 Idalangin ninyo sa may-ari ng aanihin na magpadala ng mga mag-aani. Like · Reply · October 30 at 4:06pm Bagong Magandang Balita Biblia- Bagong Tipan Mateo 10: 1-42 Ang Labindalawang Alagad (Marcos 3: 13-19)(Lucas 6: 12-16) 1 Tinipon ni Jesus ang labindalawang alagad at binigyan sila ng kapangyarihang magpalayas ng masasamang espiritu at magpagaling ng mga may karamdaman. 2 Ito ang mga pangalan ng labindalawang apostol: si Simon na tinatawag ding Pedro, at si Andres na kanyang kapatid, sina Santiago at Juan na mga anak ni Zebedeo; 3 si Felipe, si Bartolome, si Tomas, si Mateo na maniningil ng buwis, si Santiago na anak ni Alfeo, at si Tadeo, 4 si Simon na Makabayan, at si Judas Iscariote na nagkanulo kay Jesus. Sinugo ni Jesus ang Labindalawa (Marcos 6:7-13)(Lucas 9:1-6) 5 Ang labindalawang itoy isinugo ni Jesus at kanyang pinagbilinan, Huwag kayong pupunta sa lugar ng mga Hentil, o sa alinmang bayan ng mga Samaritano. 6 Sa halip, hanapin ninyo ang mga nawawalang tupa ng sambahayan ng Israel. 7 Humayo kayot ipangaral na malapit nang dumating ang kaharian ng langit. 8 Pagalingin ninyo ang mga maysakit at buhayin ang mga patay. Pagalingin at linisin ninyo ang mga may ketong, at palayasin ang mga demonyo. Yamang tumanggap kayo nang walang bayad, magbigay naman kayo nang walang bayad. 9 Huwag kayong magdala ng pera, maging ginto, pilak, o tanso. 10 Sa inyong paglalakbay, huwag din kayong magbaon ng pagkain, bihisan, pampalit na sandalyas, o tungkod, sapagkat ang manggagawa ay karapat-dapat na tumanggap ng mga bagay na kanyang ikabubuhay. 11 Saanmang bayan o nayon kayo dumating, humanap kayo ng taong karapat-dapat pakituluyan at kayo ay tumuloy sa bahay niya habang kayoy nasa lugar na iyon. 12 Pagpasok ninyo sa bahay, sabihin ninyo, Maghari nawa ang kapayapaan sa bahay na ito! 13 Kung karapat-dapat ang mga nakatira doon, panatilihin ninyo sa kanila ang inyong pagpapala. Ngunit kung hindi, bawiin ninyo iyon. 14 At kung ayaw kayong tanggapin o pakinggan sa isang tahanan o bayan, umalis kayo roon at ipagpag ninyo ang alikabok sa inyong mga paa. 15 Tandaan ninyo: sa Araw ng Paghuhukom ay higit na mabigat ang parusang igagawad sa mga mamamayan ng bayang iyon kaysa sa parusang dinanas ng mga taga-Sodoma at taga-Gomorra. Mga Pag-uusig na Darating (Marcos 13:9-13)(Lucas 21:12-17) 16 Tingnan ninyo; isinusugo ko kayo na parang mga tupa sa gitna ng mga asong-gubat. Kayat maging matalino kayong gaya ng ahas at maamo na gaya ng kalapati. 17-18 Mga alagad ko, mag-ingat kayo sapagkat kayoy darakpin at isasakdal sa mga Sanedrin, hahagupitin kayo sa kanilang mga sinagoga, at dadalhin kayo sa mga gobernador at mga hari nang dahil sa pagsunod ninyo sa akin, upang magpatotoo sa kanila at sa mga Hentil. 19 Sa pagkakataong iyon, huwag kayong mabahala kung ano ang inyong sasabihin, o kung paano kayo magpapatotoo sapagkat itoy kusang ipagkakaloob sa inyo. 20 Hindi kayo ang magsasalita, kundi ang Espiritu ng inyong Ama ang magsasalita sa pamamagitan ninyo. 21 Ipagkakanulo ng kapatid ang kanyang sariling kapatid upang ipapatay, gayundin ang gagawin ng ama sa kanyang anak; at lalabanan ng mga anak ang kanilang mga magulang at ipapapatay ang mga ito. 22 Kapopootan kayo ng lahat dahil sa pagsunod sa akin, ngunit ang mananatiling tapat hanggang wakas ang siyang maliligtas. 23 Kapag inusig kayo sa isang bayan, tumakas kayo sa kasunod. Tandaan ninyo: bago ninyo mapuntahan ang lahat ng bayan ng Israel, darating na ang Anak ng Tao. 24 Walang alagad na nakakahigit sa kanyang guro at walang aliping nakakahigit sa kanyang panginoon. 25 Sapat nang matulad ang alagad sa kanyang guro, at ang alipin sa kanyang panginoon. Kung ang ama ng sambahayan ay tinawag nilang Beelzebul, lalo nang lalaitin nila ang kanyang mga kasambahay. Ang Dapat Katakutan (Lucas 12:2-7) 26 Kaya huwag kayong matakot sa kanila. Walang natatago na di malalantad at walang nalilihim na di mabubunyag. 27 Ang sinasabi ko sa inyo sa dilim ay ulitin ninyo sa liwanag; at ang ibinubulong sa inyo ay inyong ipagsigawan sa lansangan. 28 Huwag ninyong katakutan ang pumapatay ng katawan ngunit hindi naman nakakapatay ng kaluluwa. Sa halip, ang katakutan ninyo ay ang Diyos na may kakayahang pumuksa ng katawan at kaluluwa sa impiyerno. 29 Hindi bat ipinagbibili sa halaga ng isang salaping tanso ang dalawang maya? Gayunman, kahit isa sa kanilay hindi nahuhulog sa lupa kung hindi kalooban ng inyong Ama. 30 At kayo, maging ang buhok ninyoy bilang niyang lahat. 31 Kaya, huwag kayong matakot; higit kayong mahalaga kaysa maraming maya. Pagpapatotoo kay Cristo (Lucas 12:8-9) 32 Ang sinumang kumilala sa akin sa harapan ng mga tao ay kikilalanin ko rin naman sa harapan ng aking Amang nasa langit. 33 Ngunit ang sinumang ikahiya ako sa harap ng mga tao ay ipapahiya ko rin sa harap ng aking Ama na nasa langit. Hindi Kapayapaan Kundi Tabak (Lucas 12:51-53)(Lucas 14:26-27) 34 Huwag ninyong isiping naparito ako upang magdala ng kapayapaan sa lupa; naparito ako upang magdala ng tabak, hindi kapayapaan. 35 Naparito ako upang paglabanin ang anak na lalaki at ang kanyang ama, ang anak na babae at ang kanyang ina, at ang manugang na babae at ang kanyang biyenang babae. 36 At ang magiging kaaway ng isang tao ay kanya na rin mismong mga kasambahay. 37 Ang umiibig sa kanyang ama o ina nang higit sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. Ang umiibig sa kanyang anak nang higit sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. 38 Ang hindi pumapasan ng kanyang krus at hindi sumusunod sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. 39 Ang nagsisikap na mapanatili ang kanyang buhay ang siyang mawawalan nito; ngunit ang mawalan ng kanyang buhay alang-alang sa akin ay magkakamit nito. Mga Gantimpala (Marcos 9:41) 40 Ang tumatanggap sa inyo ay tumatanggap sa akin, at ang tumatanggap sa akin ay tumatanggap sa nagsugo sa akin. 41 Ang tumatanggap sa isang propeta dahil sa itoy propeta ay tatanggap ng gantimpalang nauukol sa propeta; at ang tumatanggap sa isang taong matuwid dahil sa itoy matuwid ay tatanggap ng gantimpalang nauukol sa taong matuwid. 42 Tandaan ninyo: sinumang magbigay ng kahit isang basong malamig na tubig sa isa sa mga maliliit na ito dahil sa siyay alagad ko, siyay tiyak na tatanggap ng gantimpala.
Posted on: Fri, 08 Nov 2013 07:06:08 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015