Ang aking tuition fee, BOW. Kanina dahil kami ay nasa napakaganda - TopicsExpress



          

Ang aking tuition fee, BOW. Kanina dahil kami ay nasa napakaganda at napakalaking library ng UST (nux, mayabang.) napagpasyahan naming magkakaibigan na gamitin ang elevator for books na BAWAL para sa mga estudyante, malamang diba? bakit book ba kami? Eto ang scenario, di masyadong accurate ang aking pagkakakwento ha: Joanne: Matagal pa yan, tara eto na lang. (pindot, my ilaw naman.) Joanne: Oh, ano? game? nagdadalawang isip kami, siyempre mamaya matiyempuhan ka ng mga librarian, malilintikan ka talaga. pero anyways, alam namin ang best para samin so pumasok kami sa elevator! at dahil sa sobrang pagkataranta ni Steph (siya ang nasa pindutan ng floors) pinindot niya ang third floor imbes na fourth. so nagtatawanan kami sa loob at pagkadating ng third floor ay dali dali kaming lumabas. nagtatawanan parin siyempre. tapos nagsearch ako ng books ni Sparks, kumpleto ang UST so tumungo ako sa Humanities section, ang nakakatawa sa akin muntik na ako tumawa ng sobrang lakas pagbungad ng humanities section dadaan ka sa narrow na corridor, lalagpas ng religion tapos magtuturn sa right and then- makikita mo ang napakaspacious na lugar ng humanities, lahat ng fictional books andun, nakakalula nakakagulat—aba malay ko bang ganun kalaki ang humanities?! kaya ayun muntik na ko tumawa. at dahil malaki ang part ng library fee sa tuition I’ve decided na lulubuslubosin ko na: Hihiram ako ng hihiram. =)) OH SHIT. Eto na ang pangarap na kagubatan ng mga bookworm at book snake, nadadama ko na ang Organic nito =))
Posted on: Fri, 26 Jul 2013 13:14:57 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015