Ang dami kong nababasa sa news na nagbigay ng tag milyon2x of - TopicsExpress



          

Ang dami kong nababasa sa news na nagbigay ng tag milyon2x of dolyares ang mga ibat ibang lahi from ibat ibang bansa, sana naman makakarating eto sa dapat netong patutunguhan, sana wag naman ikurakot ng mga buwaya lalo na sa sitwastong eto na ang hirap ng kalagaya ng ating kababayan lalo na yung naapektuhan sa Bagyo. Uuwi ng Pinas ang asawa ko today for business trip at the same time pupunta at dederitso sila some part of visayas region para magbigay at mag abot ng konting tulong, yung nga pinaglumaan kong damit nilagay ko sa maleta nya para masabay na ring maabot dun sa lugar kung saan kailangan nila ng damit para maisuot. Pupunta sila dun kasama iilang ka business partner nyang kapwa koreano gamit ay Bus (by land lang). Alam ko risky masyado pero hangad nila ang makatulong kaya alam kong gabayan sila ni God na walang mangyaring masama sa kanila. Eto lang ay isa sa mga magandang halimbawa satin, nakikita natin na kahit nga taga ibang bansa ay may malasakit sa ating bansa. Yung mga nasalanta ng bagyo ay nangangailangan ng pagkain, tubig, kasuutan, tirahan, pagamutan at iba pa. Alam kong may malaki tayong puso at gusto rin tumulong, kaya payo ko lang po, kapag kayo ay gustong magbigay ng tulong, huwag nyo po basta2x ibigay kahit saan saan lang, marami pong scam na kumakalat (random people) na humihingi sila ng tulong at magbigay sila ng bank account number para kono tulong na rin sa mga nasalanta ng bagyo. Hindi ko nilalahat pero maigi nang manigurado tayo na yung tulong na ibibigay natin ay makakarating nga doon. Sa panahon ngayon mahirap ang magtiwala. Kung meron man kayong tuling na nais ipaabot doon sa nasalanta ng bagyo, pero po kayong lumapit sa Abs CBN, GMA etc. Or kung sa mga abroad naman, sa mga embassy at iba pang lugar na sa tingin natin talagang mapagkatiwalaan. Yun lamang po at huwag po tumigil sa pagdarasal. Naniwala po akong yun pa rin ang pinakamalakas na sandatang dapat nating paghawakan. Salamat at Godbless Philippines.
Posted on: Mon, 11 Nov 2013 01:36:23 +0000

Trending Topics



opicsexpress.com/TIMES-OF-GREAT-TROUBLES-When-accidents-happen-topic-856166967741363">** TIMES OF GREAT TROUBLES **When accidents happen
history is full of important lessons and precedents. Nothing is
Dear partners, Fly Records Booking & FLY RECORDS STUDIOS

Recently Viewed Topics




© 2015