Ang iniisip ko ngayong bday ko: Sabi nila, ang masamang damo, - TopicsExpress



          

Ang iniisip ko ngayong bday ko: Sabi nila, ang masamang damo, matagal mamatay. Ngayong 35 na ko. at nangangalahati na ko sa buhay - dahil 70 ang average lifespan ng tao ngayon. Sa tingin ko, naintindihan ko na ang ibig sabihin ng kasabihang ito. Ang mabuting tao, kahit gaano pa sya kahaba mabuhay, maiksi pa rin ito para sa mga taong nagmamahal sa kanya. Kaya kahit 70 na ang tatay nung namaalam nung nakaraang taon, sobrang bitin pa rin. Kait na may mga nagsabi sa akin na 70, sulit na yan. Sa tingin ko, para lang pagaanin ang loob ko. Yung mga close friends talaga ng tatay ko, iba ang sinabi. May mga narinig akong nagsasabi ng ganito: sana hindi pa sya namatay, bata pa naman sya kung tutuusin. 70, bata pa? Kasi naiiksian pa din sila sa panahon na nakasama nila ang tatay ko, mabuting tao kasi ang tatay ko kaya gusto pa nila sana makasama. kaya kahit kung tutuusin ay nabuhay sya ng mahaba, maiksi pa rin para sa amin. Sa kabilang banda, ang masamang tao, karaniwang naiinip ang mga tao sa paligid nya kakahintay kung kelan sya mawawala. Hindi nila ito siguro sinasabi, pero nasa isip nila ito. Kaya pakiramdam ng mga tao sa paligid, pag masama ang tao, matagal mamatay. Yun eh habang nabubuhay pa sya. Dahil halos lahat naman ng tao ay biglang bumubuti sa paningin ng marami pag namatay na. Isa pa itong bugtong ng buhay na hindi ko masyadong maintindihan. Sa totoo lang, hindi kayang idikta ng pagiging mabuti natin o masama ang haba ng buhay natin dito sa mundo. Ang mahalagang isipin, eh kung mawawala ba tayo, mabibitin ba ang mga tao sa paligid natin o mabubunutan sila ng tinik sa dibdib at na parang lupang binunutan ng masamang damo? Kung sa tingin mo madali maintindihan ang buhay, hindi mo pa talaga ito naintindihan. :) Basahin nyo naman ito, click nyo lang yung link. Bday gift nyo na sakin. Maraming salamat po! :) https://bible/bible/399/ecc.12.rtpv05
Posted on: Tue, 22 Oct 2013 00:45:54 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015