Ang lalaking committed na sa isang babae ay hindi na dapat - TopicsExpress



          

Ang lalaking committed na sa isang babae ay hindi na dapat nakikipag landian sa ibang babae, hindi na dapat nag eentertain ng iba pang mga babae, hindi na dapat nakikipagtext ng matagalan sa isang babae dahil dapat yung babaeng mahal niya lang ang matagalan niyang makatext. Alam mo kasi kung talagang loyal ka sa kanya kailangan mong pigilan ang sarili mo na pumatol sa mga tukso diyan sa paligid mo, wag mo iparamdam sa babaeng mahal mo na may kulang sa kanya kundi iparamdam mo kung gaano ka kaswerte nung naging kayo, kung gaano ka kasaya kapag kasama mo siya, palagi mong iparamdam sa kanya na wala ka ng iba pang hahanapin dahil kahit siya lang ang makasama mo buo na ang araw mo. Iparamdam mo din sa kanya kung gaano mo siya kamahal at wag puro salita, dapat may action din. Kung nagtatampo sayo ang isang babae kailangan niya lang ng lambing mo, kailangan mo lang siyalang suyuin dahil gusto niya kunin yung atensiyon mo. Wag mong paiiyakin ang isang babae, dapat ngiti sa mga labi niya ang palagi mong nakikita. Diba ang sarap sa pakiramdam kapag masaya yung babaeng mahal mo at nakikita mo? Sobrang saya ang mararamdaman mo na nakikita mo siyang masaya sa piling mo. Nanligaw ka kasi sa kanya at panindigan mo. Wag kana maghanap ng iba dahil nung una palang dapat siya lang talaga at wala ng iba. Kailangan mong maging loyal ka sa kaniya. Maraming mga lalaki ang nagbabago dahil gusto nila maging seryoso sa pag ibig at gusto nilang ingatan ang babaeng mahal nila. Kung ayaw mong mawala ang babaeng mahal mo ingatan at alagaan mo ng mabuti, bigyan mo ng sapat na oras at atensiyon kung gusto niya magpalambing, lambingin mo dahil madaling lumambot ang puso ng isang babae kapag ikaw na ang sumusuyo sa kanya, kailangan mo din respetohin ang gusto at ayaw niya. Matuto kang makontento sa isang babae dahil hindi sila laruan na dapat dalawahan o tatlohan. Ingatan at mahalin mo ng sobra dahil babae yan at lalaki ka kaya dapat mahalin mo siya ng tapat. Iparamdam mo sa kanya na may mga lalaking seryoso pa sa mundo at hindi manloloko.
Posted on: Sat, 29 Jun 2013 09:40:57 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015