Ang mga lalaki, or should I say kaming mga lalaki , karamihan - TopicsExpress



          

Ang mga lalaki, or should I say kaming mga lalaki , karamihan naman ng feedback sa amin is “Pare-pareho lang, manloloko, timer etc.” Minsan kung isumpa ganun na lang, minsan kung pagsabihan ng kung anu-ano ganun na lang, Don’t you realize nagkakamali din naman lahat ng tao, di naman kami perpekto, minsan feeling nyo nasasakal kayo sa amin well it’s because takot lang kaming mawala kayo, minsan kung pati sa kaibigan pinagbabawalan namin kayo it’s because nagseselos kami, oo naman nagseselos kami, pero hindi lang naming sinasabi. Kung minsan akala nyo ok lang kami, napapagod din naman kami sa paulit-ulit na pagtatalo. Minsan kapag nagtatalo napapansin nyong tumatahimik na lang kami. Ang hirap kayang maging lalaki, lalo na sa panahon ngayon na iba na yung impression sa amin. Marunong naman din kaming masaktan, lalo na sa mga panahong hindi nyo kami nagbibigyan ng panahon at oras, sa mga pagkakataong nagtatalo or hindi nyo kami tinitext. Alam nyo ba kung gaano kahirap sa part ng mga lalaki yun? simple lang naman ang gusto namin. Ang lambingin kami sa mga oras na nananahimik kami, yakapin kami sa mga panahong suko na kami. Di naman sa lahat ng oras tama ang mga babae, pero kung mapapansin nyo sa bawat pagtatalo kaming mga lalaki ang unang humihingi ng sorry, bakit? kasi ayaw na naming humaba pa yung pagtatalo. Minsan sasabihin nyong nasasakal kayo sa amin, isipin nyo kung anu yung ginagawa nyo, mahirap para sa amin yung mga pagkakataong hindi namin kayo nakakasama, lalo na sa mga pagkakataong iba ang mga kasama nyo. Naghihigpit kami sa inyo dahil MAHAL NAMIN KAYO! At AYAW NAMIN MAWALA KAYO SA AMIN. Masakit sa amin kapag nasasabihan ng I HATE YOU , sobrang sakit… lalo sa mga pagkakataong nagtatalo kayo. Minsan nadadala kami ng mga emosyon namin at nagsisimulang magsabi ng kung anu-ano. Tandaan nyo kung anu kami, repleksyon lang yun kung ano kayo sa amin pero kaming mga lalaki, kaya naming tiisin lahat kahit nasasaktan na kami.
Posted on: Thu, 18 Jul 2013 11:18:52 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015