Anim na Sabado ng Beyblade by: Ferdinand Pisigan - TopicsExpress



          

Anim na Sabado ng Beyblade by: Ferdinand Pisigan Jarin (tumatak na eksena sa aking ulo)..... Apat na kaming pumigil sa kanya maiporma lang ang katawan niya na tila hipon upang matusok at daluyan ng dugo ang ugat niyang malapit sa buto ng kanyang likuran. Ako, ang kanyang ina, ang doktor at ang nars, kung tutuusin ay kulang pa kami sa lakas ng kanyang piglas, animo’y kakataying baboy ang kanyang palahaw. “Wa n’yo ko ‘awak! Wa n’yo ko ‘awak! Taytay! Naynay! Wa n’yo ko awak tabi!” ( ‘Wag n’yo ko hawak! “Wag n’yo ko hawak! Tatay! Naynay! ‘Wag n’yo ko hawak sabi!) Wala na yatang pinakamasakit pang pakiramdam ang maaaring maranasan ng mga nagmamahal sa tanawing pisikal na nasasaktan ang iyong minamahal. Idagdag pa dito ang tila pagtulong mo upang lalo siyang masaktan. Subalit walang ibang paraan. “Putang-inang sakit ‘yan! Putang-inang dugo ‘yan! Putang-ina n’yong lahat!” Gustong-gusto kong isigaw ang mga ito subalit pinili ko na lang na itago sa aking utak at dibdib.
Posted on: Fri, 25 Oct 2013 00:36:43 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015