Ano ang Sinsabi nang Saligang Batas tungkol sa Pagtatrabaho - TopicsExpress



          

Ano ang Sinsabi nang Saligang Batas tungkol sa Pagtatrabaho (Labor): Ang Saligang Batas nang Pilipinas (Philippine Constitution) ay ang pinaka-mataas na batas sa Pilipinas kung saan lahat nang mga batas ay dapat naaayon dito. Ito ang kadahilanan kung bakit ang mga karapatan nang mga Manggagawa na nasusulat sa Saligang Batas ay dapat maibigay sa kanila, at kung mayroon mang mga batas, ordinansa o mga executive issuance na labag sa Saligang Batas, ito ay dapat mapawalang bisa. Nasusulat sa Saligang Batas na ang Bansang Pilipinas ay kinakatigan ang kahalagahan nang pag-tatrabahao (labor / employement) bilang pinakapuwersang pang-masa sa pagpapaunlad nang ating ekonomiya, kaya dapat protektahan nang bansa ang karapatan nang mga manggagawa (employee) at dapat din i-anggat ang kanilang estado sa buhay. Nasa Saligang Batas din nasusulat ang prinsipyo na sinusunod nang ating bansa sa pag-tatrabahao (labor principles/policies). Ito ang mga sumusunod: Dapat bigyan nang kompletong proteksyon ang bansa ang mga manggagawa, nasa Pilipinas man o ibang bansa, naka-group o hindi, at dapat i-angat ang pagbibigay nang kabuoang trabaho at pantay na opotunidad na magkaroon nang trabaho sa lahat nang Pilipino. Garantisado din dapat ang karapatan nang mga manggagawa na makaroon nang kanilang organisasyon (o sumali sa organisasyon) na mayroon karapatan makipagnegosasyon para sa kanilang karapatan, o di kaya magkaroon nang mapayapang pagsasama-sama, isa na dito ang karapatan mag-welga (maliban sa mga empleyado nang gobyerno) nang mapayapa at naaayon sa batas. Dapat na ang mga mang-gagawa ay magkaroon nang seguridad sa kanilang trabaho kung saan hindi sila basta basta puwedeng tanggalin nang walang sapat na dahilan at dapat dumaan sa tapang proseso, Dapat na makaroon ang mga manggagawa nang maayos at makataong kondisyon sa pagtatrabaho at sapat na suweldo para sa kanilang pang-araw araw na gastusin. Karapatan nang mga manggagawa na maka-sali sa pag-buo nang mga polisiya at makapagdesisyon kung ito ay makakatulong sa pagpapaunlad nang kanilang kapakanan bilang manggagawas ; Dapat na mabigyan pansin ang karapatan nang mga mangagawa na mabigyan nang tamang parte sa resulta nang kanilang pinag-hirapan, GAYUN DIN NAMAN ang karapatan nang mga negosyante na magkaroon nang resonableng kita at oportunidad na mapalago at mapaunlad ang kanilang negosyo. Ang Pilipinas naman ay dapat ma-regulate ang relasyon nang bawat manggagawa at ang kanilang mga bossing (employer) at pati na rin ang relasyon nang mga manggagawa at kapawa nila mangagawa. Inaayunan din nang bansa ang prinsipyo na magkasama ang employee at employer sa responsibilidad na ayusin ang kanilang hindi pinagkakaunawaan sa mapayapang paraan at sundin ang kanilang napagkasunduan, para sa kapayapaan nang industriya. Sa kabouan, ang karapatan nang mga Mangagawang Pilipino ay protektado, hindi lang nang Labor Code of the Philippines, ibang mga Labor Laws at Civil Service Laws, lalong lalo na nang Saligang Batas nang Pilipinas.
Posted on: Mon, 29 Jul 2013 17:11:42 +0000

Trending Topics



ttext" style="margin-left:0px; min-height:30px;"> UPDATE~~~~~ DUNKS ARE HERE!!!! DUNKS ARE HERE!!! LARVACIDE DUNKS

Recently Viewed Topics




© 2015