Ano ang masasabi nyo? - admin Mae I got married in 2010 but we - TopicsExpress



          

Ano ang masasabi nyo? - admin Mae I got married in 2010 but we never made love up to this time. I confronted him about it and he told me that he is not physically attracted to me. I don’t know if this is true. I’ve been hearing rumors that he is gay. One time that I opened his email and found out that he is flirting with this gay man which happen to be his boss. I confronted him and said that he is doing such because the boss likes him and he is doing it not just for him but for the whole team so that they keep their job as they are expats. I found out too that he had an affair with a wo­man but he said that no­thing happened to them and that he is just flirting with her. I’m confused, I don’t know what to do anymore. Should I go on or stop this? Help me, Dr. Holmes. -- Kristine Dear Kristine: Maraming salamat sa sulat mo. Aaminin ko na wala akong mas mara­ming basehan mula sa sulat mo. Pero, kung ganyan talaga ang mga kilos niya, mas mabuti siguro na tapusin mo na ang relasyon ninyo. The earlier, the better. Ang da­ting ng asawa mo sa akin (kahit na, alam ko rin na maaaring hindi totoo ang sinulat mo sa akin. Pero ang “feel” ko sa iyo ay hindi ka ganu’ng klaseng tao), ang feel ko ay ito ay klaseng lalakeng mahirap magkaroon ng relasyong tapat. Hindi lang tapat sa walang ibang babae (o lalake) sa buhay niya, pero tapat sa kanyang mga pa­ngako sa iyo. Kahit ang kanyang sinabi na hindi siya attracted sa iyo. Kung totoo nga ito, bakit ka niya pinakasalan? Kung tapat siyang tao, sasabihin niya bago kayo nagpakasal na hindi siya na-a-attract sa iyo. Papaano ka mananati­ling secure sa isang katulad niya na lagi na lang may dahilan para sa kaniyang kilos at nahuli mo nang nagsisinungaling sa iyo? Mas mahirap iwanan siya habang tumatagal ang relasyon ninyo. Kaya sana, dearest Kristine, kung hihiwalayan mo na sana siya, ngayon na kaya mo pang gawin ito. Sana sapat mo akong kilala para alam mo na bihirang-bihira lang akong nagpapayong iwanan ng isang tao ang kanyang asawa, pero sa kaso mo, Kristine, ang paniniwala ko, ay kung ang inyong kasal ay nagdudulot ng hurt, pain, insecurity, anxiety nga­yon, lalala ‘yun habang tumatagal kayo sa isa’t isa. Ingat. -- MG Holmes abante.ph/issue/jun0513/istayl_mh.htm
Posted on: Tue, 04 Jun 2013 23:31:54 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015