BALITANG ABROAD: "DH sibak sa missing pulseras" Tinanggal sa - TopicsExpress



          

BALITANG ABROAD: "DH sibak sa missing pulseras" Tinanggal sa trabaho ang isang Pinay domestic helper sa Hong Kong matapos makuha sa kuwarto nito ang nawalang mamahaling pulseras ng kanyang amo. Sa ulat, hindi na ipinakulong at sa halip ay inalis na lamang sa trabaho ang Pinay DH na nakilala sa pangalang Darlene, 30-anyos, taga-Cebu, may-asawa at isang anak. Sampung buwan na umanong nawawala ang pulseras pero kamakailan ay nakita ito sa kuwarto ng DH. Pinaliwanag ni Darlene na nakita niya ang pulseras nang maglinis ito sa master’s bedroom. Ikinagalit ng amo ang nadiskubre at kinompronta ang DH kung bakit hindi agad isinoli ang alahas. Kahit na pinaalis ay binigay pa rin ang sahod at sinobrahan pa ng HK$3,000 ang Pinay.
Posted on: Mon, 22 Jul 2013 03:29:40 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015