BALITANG ABROAD Dinukutan habang nagdadasal (Aries Cano) Walong - TopicsExpress



          

BALITANG ABROAD Dinukutan habang nagdadasal (Aries Cano) Walong dayuhan ang kabilang sa 24 na inarestong mga mandurukot na nambibiktima ng mga nagdadasal sa mosque sa Madinah sa Saudi Arabia kung saan isa sa mga nabiktima ay isang Pinay visitor sa Kingdom. Sa ulat ng Saudi local press, nahuli ng security force ng Prophet’s Mosque ang 24 pickpockets. Nadakma ang mga mandurukot noong Ramadan, batay pa sa ulat kahapon. Sinabi ni Madinah police Col. Fahd bin Amer Al-Ghanam na kabilang sa tatlong nahuli ay tatlong Egyptian, tatlong Pakistani at isang Nepalese. “...policewomen of the investigation unit arrested a 30-year-old woman while she was pickpocketing a Filipino female visitor. Once the thief noticed that she was caught red- handed, she tried to throw away the wallet, but was caught nevertheless,” sabi ng opisyal. Tatlong kabataan pa na may mga edad na 15 at 17 ang kabilang din sa naaresto. ************************ BALITANG ABROAD Ex-wife ninakawan, pinapangit (Aries Cano) Ilang oras umanong binugbog habang nakagapos at pinapangit nang halihawin ng ice pick ang mukha ng isang Pinay matapos sugurin at pagnakawan ng ex-husband nito na isa ring Filipino sa New York, USA. Naglunsad ng manhunt operation ang New York Police na nagbigay- daan sa pagkakatimbog kay Edmund Manuel, 38, ayon sa ulat ng Balitang America. Sinampahan ng 14 felony charges si Manuel at kabilang dito ang assault with intent to cause serious injury, strangulation, burglary, robbery at grand larceny base sa court records. Hindi rin pinayagang makapagpiyansa ang akusado na patuloy na nakadetine sa Vernon Bain floating Correctional Center sa Bronx. Humarap si Manuel sa Queens Supreme Court nitong Agosto 12. Nangyari ang insidente nang brutal na pag-atake ni Manuel nitong Hunyo 30 ngayong taon. Pinasok umano ng suspek ang bahay ng dating esmi nito sa panulukan ng 69th place at 57th drive sa Maspeth, New York. Itinali ng duct tape, ginulpi ninakawan at nilaslas ng ice pick ang mukha ng biktima. ****************** BALITANG ABROAD Patay sa Japan heat wave, 9 na (Aries Cano) Nagpalabas ng heat warning sa 38 prefecture sa Japan ang mga opisyal kasunod ng matinding init na nagresulta na sa pagkamatay ng siyam na katao. Ayon sa ulat ng Agence France- Presse (AFP), inihayag ng mga Japanese officials na pumapalo sa mahigit 40 degrees Celsius ang temperatura kaya na-heatstroke ang mga biktima. Sinasabing nitong Lunes ng hapon ay umabot na sa 41°C ang temperatura. Bunsod nito, inabisuhan ang mga mamamayan na ugaliing uminom ng maraming tubig at paganahin ang mga air-conditioning unit. Inaalam naman ng embahada ng Pilipinas sa Japan ang kalagayan ng mga Pinoy. Joy
Posted on: Wed, 14 Aug 2013 05:05:53 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015