BALITANG ABROAD: Obama nagbitaw ng ‘warning’ sa - TopicsExpress



          

BALITANG ABROAD: Obama nagbitaw ng ‘warning’ sa China Winarningan ni US President Barrack Obama ang China nitong Huwebes kaugnay sa paggamit ng puwersa sa maritime dispute. Kasabay nito ay umapela ang US President na mapayapang resolbahin ang gusot. Sa ulat ng Agence France-Presse (AFP) humarap si Obama sa mga Chinese officials na nasa Washington para sa wide-ranging talks. Hinimok ni Obama ang China na mapayapang ayu­sin ang maritime dispute sa pagitan ng mga kalapit na bansa. Sa isang statement ng White House, nakasaad ang apelang “urged China to manage its maritime disputes with its neighbors peacefully, without the use of intimidation or coercion”. Patuloy na umiinit ang tensyon sa pagitan ng China at Japan na nagreresulta sa pagdagsa ng mga barko para ipakita ang puwersa at pag-angkin sa unpopulated islands na pinangangasiwaan ng Tokyo sa East China Sea. Inaakusahan din ng Pilipinas at Vietnam ang China sa paggamit ng mapamilit na pamamaraan para isulong ang pag-angkin sa mga teritoryo sa South China Sea
Posted on: Sat, 13 Jul 2013 01:28:20 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015