BALITANG ABROAD Undocumented OFWs sa Saudi, binalaan sa fake - TopicsExpress



          

BALITANG ABROAD Undocumented OFWs sa Saudi, binalaan sa fake documents (Aries Cano) Mahigpit ang warning ng PH Embassy sa mga Filipino sa Saudi Arabia kaugnay sa paggamit ng pekeng marriage certificate at iba pang mga dokumento. “Anyone caught using or holding a fake marriage contract or other fake documents can be held liable for violating these laws,” ayon sa PH Embassy. Sinasabing maraming ina na may mga undocumented na anak ang hindi ma- repatriate sa ilalim ng grace period na pinalawig hanggang Nobyembre 3 sapagkat walang birth certificate ang mga ito na inisyu ng embahada. “The Philippine Embassy does not tolerate the use of fake documents and it will continue to confiscate these and report them to proper authorities,” ayon sa embahada. Kailangan ang birth certificate sa pag-iisyu ng exit visa ng Saudi passport department. Hindi umano maiparehistro sa embahada ang mga bata dahil bunga ang mga ito ng bawal na pakiki­ pagrelasyon. Mareresolba lamang umano ang problema sa pamamagitan ng DNA testing kung saan natapos ang palugit sa proseso nitong Hulyo 14. Joy
Posted on: Thu, 18 Jul 2013 04:28:58 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015