BALITANG ABROAD via Abante OFW sinunog ang sarili (Aries - TopicsExpress



          

BALITANG ABROAD via Abante OFW sinunog ang sarili (Aries Cano) Tuluyang binawian ng buhay ang isang Pinay domestic helper na naunang iniulat na nagpakamatay sa pamamagitan ng pagsunog sa sarili sa Saudi Arabia. Sa ulat ng local press sa Kingdom, isinugod pa sa ospital ang Pinay housemaid noong nakaraang buwan matapos na magtamo ng 95 porsiyentong pagkasunog ang katawan kaya’t mahirap na itong makilala. Mula nang isugod ng employer ang biktima sa King Saud Medical City Hospital ay hindi na umano nagi­sing ang Pinay hanggang sa tuluyang ideklarang patay kamakailan. Pero ayon sa employer ng Pinay, 34-anyos, ang hindi na pinangalanang kasambahay, may dalawang anak at tubong Mindoro. Hindi naman tinukoy sa ulat kung papaano sinunog ng Pinay ang sarili pero ayon umano sa employer nito ay tinangka umano nitong tapusin ang buhay. “... Filipina’s sponsor as saying the Filipina was 34 years old and allegedly tried to take her own life,” ayon sa ulat ng local press. Ipinagbigay-alam na sa Philippine Embassy ang kaganapan at kasalukuyan nang inaasistehan ng mga kinatawan ng Assistance to Nationals Unit (ANU) ang Pinay at nakikipag-ugnayan sa mga awtoridad sa Saudi Arabia para maimbestigahan ang tunay na sanhi ng kamatayan. SILVER
Posted on: Wed, 04 Sep 2013 18:12:03 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015