BIGYAN NG LEKSYON ANG MGA TAIWANESE FISHERMEN (Bernard Taguinod) - TopicsExpress



          

BIGYAN NG LEKSYON ANG MGA TAIWANESE FISHERMEN (Bernard Taguinod) Kailangang iparamdam na sa mga Taiwanese fishermen ang lupit ng batas ng Pilipinas upang mabigyan ang mga ito ng leksyon. Ito ang binigyan-diin kahapon ni Akbayan partylist Rep. Ibarra Gutierrez kaugnay sa pagkakahuli ng Philippine Coast Guard (PCG) ng isang Taiwa­nese fisherman na ilegal na nangingisda sa karagatan ng Batanes. “Dapat lang na bigyan sila ng leksyon. Hindi ‘yan dapat mapatawad, hindi puwedeng ipa-arbor sa Taiwan. Ikulong siya at pagmultahin,” pahayag ni Gutierrez para makita ng mga kasamahan nito na hindi puwede ang kanilang ginagawa. Magugunita na nagkaroon ng tensyon sa pagitan ng Pilipinas at Taiwan nang mapatay ng isang kagawad ng PCG ang isang ma­ngingisdang Taiwanese noong Mayo sa Balintang Channel. Nawala lamang ang tensyon nang makasuhan ang mga PCG ­officer at humingi ng tawad ang gobyerno ng Pilipinas sa Taiwan at sa mga kaanak ng napatay na mangi­ngisda. Gayunpaman, sinabi ni Batanes Rep. Henedina Abad na habang may tensyon sa pagitan ng dalawang bansa ay maraming Taiwanese fishermen ang ilegal na nangingisda sa Batanes. Lalong lumakas umano ang loob ng mga Taiwa­nese fishermen na mangisda sa Balintang Channel na animo’y sila umano ang nagmamay-ari sa pangisdaan sa kanilang probinsya. Dahil dito, pinabantayan ng mambabatas ang kanilang karagatan na nagresulta sa pagkakahuli ng isang Taiwanese national habang nakatakas naman umano ang mga kasamahan nito.
Posted on: Sat, 07 Sep 2013 04:34:50 +0000

Recently Viewed Topics




© 2015