Bakit ba may mga taong ang laging peg sa mga post nila ay yung - TopicsExpress



          

Bakit ba may mga taong ang laging peg sa mga post nila ay yung tipong galit sa mga ngawa nang ngawa daw pero walang nagagawa. Hello. Demokrasya po tayo at sa isang demokrasya ang pagngangawa ay isang mahalagang gawain, at isang karapatan. At puwede ba, napaka-kitid naman ng imahinasyon nyo na porke nagngangawa wala nang ginagawa. Ako may ngawa pero may gawa at marami akong kilala na ganyan. Di ba Malou Tiquia at Jalton Taguibao. Kayo nga nakakahanap din ng panahon na punahin dito sa FB ang mga di-umano ay ngawaero at ngawaera pero kulang sa gawa. Ano ginagawa nyo. Di ba pagngangawa din yan at ang pinupuna nyo pa ang kapwa na gusto ituwid ang mali sa halip na ang mga gumagawa ng mali. Sabi nga ni Dennis Quilala pinupuna ang mga pumupuna pero hindi ang mga dapat punahin. Pasko na. Kakapagod na peg nyo sa totoo lang. Punta na lang kayo sa North Korea. Siguro dun magiging happy kayo kasi wala doong katulad namin na nagngangawa. Puro gawa dun. Sa work camps sa likod ng barbed wires nga lang. Merry Xmas na lang!
Posted on: Mon, 18 Nov 2013 12:09:14 +0000

Recently Viewed Topics




© 2015