#Bisikleta I am an avid fan of SPC confessions. Reading the - TopicsExpress



          

#Bisikleta I am an avid fan of SPC confessions. Reading the stories inspires a lot of people, and nakaisip din ako na baka may mainspire din sa aking istorya. Marahil di lahat magagandahan. May iba makakabigay ng mga pangit na commento, pero eto ang istorya ko. Ito ako. At ito ang nangyari sa buhay ko. At ito sinisigurado ko, makakapulot kayo ng aral dito. Kung paano pahalagahan ang pamilya at ang mga taong nagmamahal sa iyo. Wala naman akong espesyal na karanasan sa buhay nung maliit pa ako. Di ako kailanman naghirap, masaya ang aking pamilya. Nakapag-aral ako sa magandang eskwelahan, at nakatapos ako ng pag aaral ng walang kahirap hirap both financially and because I am also intelligent. Aside from that, I also have the looks that maybe cannot be compared to a beauty queen but they say I have that simple but headturning looks. I graduated as cum laude of our batch in Nursing. I won’t mention my batch anymore. However, they said “you can’t almost have it all”. I was filled with love, from my parents and my relatives. Mabait po kasi ako. And bukod sa ako ang nag-iisang anak noong panahon na iyon, kontento na sila sa akin. Lahat ng attention nasa akin. Pero nung pinanganak ang aking kapatid nung akoy nasa 2nd year highschool nag iba lahat pati narin ako. Di kasi ako sanay na may ibang makakakuha ng attention ng pamilya ko. Siguro kahit mabait ako, I still have flaws. I am an attention whore. Kaya nung pinanganak ang aking kapatid (itawag natin sa pangalang “bunso”) nag-iba lahat pati ang ugali ko. Naaalala ko pa nung ibinalita sa akin ni mommy na magkakaroon ako ng kapatid. At first I was excited to have a baby brother. Yes, I was expecting a baby brother. But it didn’t turn out that way, I had a baby sister instead. So, nung pinanganak sya, kapag may pumupunta sa bahay parati hinanahanap si bunso. Maybe I was so immature para sa age ko na makafeel ng ganito, pero eto ako. I can’t blame myself then. I cursed her for coming into our life. Our business that time was not so high, pero di naman din lugi. Kumbaga average lang para maproovide ang aking needs and some of my wants. Pero nung dumating si bunso, nawala na ang wants ko. Naalala ko na gusto ko magkaroon ng playstation 1 noon, they promised me that if I could be included in top ten they would buy me. That was before bunso was born, pero nung top 10 na ako, they broke their promise. Madami kasi kelangan bunso sa ospital kasi she was born prematurely. Mas lumaki ang galit ko sa kanya. Inspite of the things that happened, I have my bestfriend Juan (not his real name). He was my bestfriend since I was still in elementary. Kapag galit ako kay bunso, sya ang outlet ko parati. Pilit naman nya ako ina-advice pero what’s good with him is nakikinig sya ng mabuti sa akin. Di nya ako pinapagalitan at go with the flow lang sya. Kahit na tinutukso kami parati, di nya ako iniwan at iniwasan. Bestfriend ko talaga sya. Pero he’s not only my bestfriend, first love ko din sya. For many years I have loved him. He may not know it (out of topic kasi sa amin ang crush). I even dream sometimes na kinakasal kami. At kapag nasusulat ako sa slumbook, Juan (codename lang) lagi ang nilalagay ko sa “who is your crush”. Wala naman ding espesyal na nangyari sa amin katulad sa telenovelas na nagpropromise sila nung bata pa sila nag magpapakasal or what. Playmates lang po kami talaga, bisikleta ang paborito naming hobby and marami pa kami kaibigan, pero kami talaga magkakampi. Pero siguro dahil kapag sa mg bestfriends, babae talaga ang unang nahuhulog. So ayun na nga, ako ay may bestfriend at inlove ako sa kanya. Para lang Jolina-marvin story ano? Coincidentally, un din ang pinasikat na movie nung panahon na iyon. Sila ang parang Kathryn-Daniel sa panahong ito. (Filipino Love stories Fan po ako). Kaya tampulan kami ng tukso. Lalo na ako. Na baka inlove na daw ako kay Juan. Pero parati ko ung dinideny “ha? Si juan, yucks!” at pilit ko sinasabi na may iba akong gusto o di kaya ang usual dialogue ko “Kay Rico Yan nalang ako” (buhay pa si Rico Yan nun). Kaya I just loved him secretly (ewan kung love na nga ba un). My sister, bunso, is still my karibal in the attention of my parents. May time nga na inis na inis ako sa kanya dahil may PTA meeting nun, pero di sila nakadalo dahil isinugod si bunso sa ospital. Nakakainis naman kasi kung bakit sakitin ang bunso ko. Siguro napakasama kong ate nung panahon na iyon. Di ko man lang inintindi ang kalagayan ng kapatid ko. Pero di ko talaga maalis sa puso ko ang galit na nararamdaman ko sa knya. Sa mga panahong inis ako kay bunso, umaalis ako ng bahay at kasama ko si Juan. We shared our dreams together (hindi ung kasal2 ha). Dreams about being rich someday, being successful. Sabi ko I want to have house and lot and car by the age of 30, sya naman gusto nya mayaman na mayaman na sya by that time. Minsan trip naming tataya ng lotto or lasto tapos iniisip naming baka Manalo. Pero ni minsan di kami nanalo. Minsan sabay kami punta ng simbahan pag linggo. Ang dami naming moments together. Sa mga moments na iyon, sino ba naman di mainlove dba? So eto na, 4th year highschool na, 2 buwan nalang at ga-graduate na kami ni Juan. Dahil ang ibang babae kong kaibigan ay sa SPC mag-aaral at nursing ang kurso, gumaya din ako. Si Juan naman kukuhan ng Engineering sa isang private school din dito sa siyudad. Un ang pagkaka-alam ko. Pero biglang sinabi nya sa akin na mag tatake daw sya ng exam (UPCAT) kasi gusto nya mag-aral sa UP Diliman. Para akong nagalit sa kanya kung bakit ganyan ang desisyon nya. Naiinis ako kasi aalis sya. I even prayed na mabagsak sya sa UPCAT para di sya matuloy. Ang sama sama ko na bestfriend. Pero nakapasa sya at masaya nyang ibinalita na sa UP na nga sya mag aaral. Di ko alam anong irireact ko noon. Kaya eto na graduation, wala naman iyakan nangyari. Pigil ang luha ko pero naiiyak na talaga ako. Iniisip ko kasi sino na magiging kakampi ko kapag umalis na sya. Pero kailangan mag move on. Di ko naman kayang sabihin ung nararamadaman ko kaya sabi ko, “spend quality time nalang kami with each other during summer”. Dami ko na plano on how we will spend our summer. Pero madidisappoint lang pala ako. Sobrang busy daw sya. Dami daw sya preparations para sa pagpunta nya ng manila. Kapag niyayaya ko sya sumama mag beach o mag outing, parati sya may rason. Kaya ayon, patapos na ang summer, malling lang ang nagawa naming. 1 week before sya umalis, bumawi sya sa akin. Humingi ng tawad dahil sa knyang sobrang pag kabusy. Ayon lumabas kami nanood ng sine sa JS Ilustre pa ang maganda nun. Tapos nagpunta sa clubhouse ng village naming. Sabi ko sa sarili ko, dapat sabihin ko na ang nararamdaman ko sa kanya. Masaydo akong courageous nun. At nung gabing iyon inamin ko na matagal ko na syang mahal. Di naman din ako napahiya nun, sabi din nya crush din nya ako. Sobrang saya ko nun. Pero dahil aalis sya, sabi nya sa akin na di pa ito ang tamang oras n gaming pag iibigan. Medyo un ung sad part ng gabing iyon, pero sabi ko mag aantay ako. Wala pa kaming cellphone nun. Pero uso na ang email. Kaya sabi ko email email nalang kami. Bago sya umalis, he gave me my first kiss. Oh dba, kiss agad2? Di pa kami. Pero sabi ko okay lang, dun naman din papunta un eh. The remaining days before ng pag alis, we spent it nicely. Ginawa naming ang paboritong hobby naming na pag bibisikleta, ang saya saya ko nun. Hanggang sa dumating na ang araw ng kanyang pag alis. Itutuloy ko po sa ibang post, Antay2 lang po kunti kapag may time ha, mga readers. #attentionwhore BSN Female
Posted on: Mon, 01 Jul 2013 19:44:27 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015