Biyernes sa Ika-19 Linggo ng Taon, Mt 19:3-12 Posted by - TopicsExpress



          

Biyernes sa Ika-19 Linggo ng Taon, Mt 19:3-12 Posted by veritasadmin on Friday, August 16, 2013 · Leave a Comment Reflections BAGONG UMAGA Magandang-magandang araw ng Biyernes mga giliw naming tagasubaybay. Ika-labing anim ngayon ng Agosto, ginugunita natin sina San Roque, manggagamot, at si San Esteban ng Unggaria na isang hari. Pasalamatan natin ang Diyos sa mga Banal na ito at sa tulong ng kanilang panalangin hilingin nating pagyamanin anuman ang bokasyon natin sa buhay. Ito ang tema ng Mabuting Balitang maririnig natin ayon kay San Mateo kabanata Labing-siyam, talata tatlo hanggang labindalawa. GOSPEL Reflections Mga kapatid, pinapaalalahanan tayo ng Ebanghelyo na anuman ang bokasyon natin sa buhay – pagyamanin ito, upang maghatid sa atin sa kabanalan at buhay na kasiya-siya. May Iba’t ibang bokasyon na maaari nating pagpilian. Kaya nga may mga nag-aasawa, nagpapari, at nagmamadre, at ang iba nama’y nananatiling binata at dalaga. Hindi masasabing may bokasyong higit na mabuti kaysa sa iba. Ang bokasyon, ayon sa plano ng Diyos. Ang mahalaga, matuklasan natin kung saan bokasyon tayo tinatawag ng Diyos. Sabi nga ni Beato Juan Pablo II, na may iniukol si Jesus na gagampanan sa buhay para sa bawat isa sa atin, bawat isa’y pinili at tinawag Niya. May mga taong maliwanag na sa kanila ang kanilang bokasyon sa simula pa lamang. Mayroon din namang nalilito o hindi malaman kung anong daan ng buhay ang nauukol para sa kanila. Mayroon ding napupunta sa bokasyong hindi pala inilaan para sa kanila, kaya’t nabibigo. Mga kapatid, mahalaga ang panalangin at pagninilay upang malaman ang plano ng Diyos para sa atin. Makatutulong ang pagsusuri sa ating kakayahan at sa ating kalooban upang maunawaan kung ano ang pinakamabuti nating gawin upang makapaglingkod sa Diyos. Pakatandaan natin na ang bawat bokasyon, daan patungo sa kabanalang ninanais ng Diyos para sa atin.
Posted on: Fri, 16 Aug 2013 08:49:53 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015