Bumuo ng isang sanaysay gamit ang mga sumusunod na katanungan. 1. - TopicsExpress



          

Bumuo ng isang sanaysay gamit ang mga sumusunod na katanungan. 1. Ipakilala ang pagkatao ng mga pangunahing tauhan sa pelikula. Ilantad ang kanilang mga kalakasan at kahinaan: 1.1. Tonio 1.2. Fiesta 1.3. Caloy 2. Hindi personal na magkakakilala ang mga pangunahing tauhan, subalit papaano nagkasanga – sanga ang kanilang mga landas? 3. Ano ang relasyon ng bus sa kanilang buhay? 4. Ayon kay Tonio, “Ang pagtanda ay hindi para sa mga mahina ang loob…” Naniniwala ka ba rito? Pangatwiranan. 5. Ano ang ibig ipahiwatig ng mga sumusunod na simbulismong matatagpuan sa pelikula: 5.1. Pandesal 5.2. Alak 5.3. Facebook 5.4. Batang namamalimos 6. Ipaliwanag ang mga sumusunod na karunungang nakapaloob sa pelikula na binanggit ng mga pangunahing tauhan: 6.1. “Buong buhay ko sinunod k ang mga gusto ninyo… Puwede ba… ang gusto ko naman ang sundin ko!!” -- Tonio – 6.2. “Sino ba ang nakakaalam kung sa atin ang dapat mamatay?” -- Fiesta – 6.3. “Maaari naman akong makipaglambutsingan sa iba… Pero di ko ginawa… kasi nga mahal kita…” – Caloy -- 7. Sang – ayon ka ba sa naging wakas ng kuwento? Kung ikaw ang masusunod? Sino sa tatlong karakter ang nararapat na mamatay? Pangatwiranan. 8. Ano ang aral na iyong mapupulot sa pelikula? TANDAAN: Hanggang sa Martes lamang ang deadline ng pagsusumite. Ang inyong sanaysay ay maaaring isumite sa akin sa mga sumusunod na kaparaanan: A. Sa pamamagitan ng email. Isend lang sa aking p.m. Hindi bababa sa 350 mga salita at higit sa lahat, hindi gagamit ng mga text – lingo at kung hindi lantad ang inyong pagkakakilanlan sa facebook gaya ng sumusunod: Panunuring Pampelikula ni Mheong Ilantad ang tunay na pangalan at kurso sa isusumiteng sanaysay tulad nito: Panunuring Pampelikula Ni Romeo P. Gonzalvo Jr. A.B. Philosophy B. Sa pamamagitan ng Hard copy. Isumite ito gamit ang short bond paper na may margin na 1x1x1x1, 1.5 spacing, times new Roman font 12. Sa unang pahina, ilagay ang pamagat ng inyong sanaysay sumunod ang inyong kurso. Isang mag – aaral lang per section ang magsusumite sa akin.
Posted on: Sat, 24 Aug 2013 03:24:54 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015