Buntis, biglang nanganak sa pagkain ng wild yum; 6 pa kritikal sa - TopicsExpress



          

Buntis, biglang nanganak sa pagkain ng wild yum; 6 pa kritikal sa Catanduanes Written by Bombo Legazpi Published in Latest News Tuesday, 16 July 2013 13:43 LEGAZPI CITY - Labis ngayon ang pagdadalamhati ng dalawang mag-asawa kung saan halos ubusin ang kanilang pamilya matapos malason ng kinaing Nami sa Barangay Sto. Niño, Virac, Catanduanes. Una rito, dahil sa kakulangan nang makakain, naisipan ng amang si Jeffrey dela Rosa, 28, na magluto ng ginataan na hinaluan ng nasabing uri ng root crop. Matapos maluto, pinagsaluhan ito ng kanyang dalawang anak, buntis na asawa at dalawa pang kamag-anak na kasama nito sa bahay. Subalit, lumipas lamang ang ilang oras nang makaranas na ang mga ito ng pagkahilo, pagsusaka, pagtatae at mataas na lagnat. Agad naman na naisugod sa ospital ang mga biktimang sina Gigi dela Rosa, asawa ni Jeffrey, ang dalawa nitong mga anak at ang mag-asawang Ryan at Mary Jane dela Rosa. Samantala, dahil sa matinding epekto ng lason sa buntis na si Gigi, napaaga ang panganganak nito kung saan patay nang lumabas ang bata sa kanyang sinapupunan. Ayon kay Catanduanes Provincial Health Officer Dr. Lovilla Sanchez, posibleng na-trigger ang delivery ng biktima dahil sa nakain nito. Bago ito mahigit na rin 30 mga estudyante at guro ang nalason ng nasabing root crop sa isang paaralan sa parehong lalawigan. Sa ngayon ay nananatili pa sa ospital ang buong pamilya ni Jeffrey kasama na ang dalawang anak at maging ang kanyang kapatid at hipag. Ang Nami (Dioscorea hispida Dennst) o Namo (in Bikol) or Kayos ar Kayut or Nami (in Tagalog) o Mexican wild yum (in English) ay isang uri ng root crop kung saan kadalasan na ipinapangpalit sa kanin lalo na ng mga kababayan na nasa bulubunduking bahagi na nakatira. At kahit sa ilang bansa ay itinuturing itong gamot sa maraming sakit. Subalit kung makakain ito ng sobra o mali ang pagkakaluto, maaari itong magresulta sa pagkalason dahil sa taglay nitong toxic substances tulad ng dioscorine na posibleng magresulta sa palpitations, nausea, vomiting, throat irritation, sweating, blurred vision at unconsciousness. - See more at: bomboradyo/news/latest-news/item/12619-buntis-nanganak-ng-wala-sa-oras-sa-wild-yum-6-pa-kritikal-sa-catanduanes#sthash.Ukg3dzE2.dpuf green>
Posted on: Tue, 16 Jul 2013 06:29:00 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015