"CARMONA MTB BIKE CHALLENGE" - TopicsExpress



          

"CARMONA MTB BIKE CHALLENGE" KASADO NA Inanunsyo kahapon ni Road Bikers of Carmona president Bing Orfano na handa na ang kanilang cycling project na tinaguriang " Pasong Buhangin-Davilan MTB challenge " na gaganapin kasabay ng kanilang Anniversary Foundation sa October 19, ng pagkakatatag ng Bayan ng Carmona , probinsya ng Cavite. Ang karera ay nahahati sa anim ( 6 ) kategorya; Ope-Carmona ; National Student para sa mga edad 18 hangang 27 taong gulang , Beginners -A na ang edad 18 taon gulang pababa, Beginner -B 19 hanggang 35 taon gulang, Beginners - C 36 na taon gulang pataas at Womens - para sa lahat. Ang mananalo estudent category ay may tsansa na maipadala sa World Cycling Championship sa Poland next year , bukod pa sa kabuuang P40,000 ang ipamimigay na cash at madalya ang nakalaan sa mga magsisipanalo sa kanikaniyang kategorya na lalahok sa humigit kumulang 25 kilometrong takbuhan sa mala- disyerto at daan PABABA AT PA AKYAT SA BUNDOK na niruta ng technical committe ng Road Bikers of Carmon ( ROBIC ) Ang patimpalak na ito ng karera ng bisikleta ay sinuportahan ng mag asawang Hon. Cong Roy M. Loyola at Mayor Dahlia Loyola at ng Sanguniang Bayan upang bigyan sigla ang mga mamayan sa kanilang pagdiriwang. " Ang Carmona ngayon ay maituturing na sentro ng Investment at Sports" kaya ang pamimisekleta ang aming prioridad na sports , upang makatulong kami sa mga mamayan na imbes na mag tryscikel,papunta sa palengke ay ini- encourage namin na mag bike, upang makatipid at maka pag -excerise pa, ito ang pahayag ni Mayor Dahlia Loyola. Ang registration ay bukas na para sa nagnanais lumahok sa karerang ito, hanapin lamang malapit sa Munisipyo ang CINCO TRES BIKE SHOP tumawag sa mga telepono ; Bing Orfano 0916 226 7622, Louie Cortez 0908 865 9369 para sa detalye o kaya hanapin si Noel Cinco , 0915 335 8655. Bukas po ang pamunuan ng Robic para sa nais mag sponsor sa aming karera.
Posted on: Thu, 10 Oct 2013 05:57:03 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015