CONDITIONAL CASH TRANSFER- PROGRAMA NG KULTONG DILAW PARA - TopicsExpress



          

CONDITIONAL CASH TRANSFER- PROGRAMA NG KULTONG DILAW PARA 2016? Hindi pa kaya alam ng mga magagaling na alipores ni Noynoy na si Abad at si Soliman na bistado na sila kung bakit gusto nilang palakihin ang pondo ng CCT? Hindi kaya ang dahilan ay upang mas lumaki ang kanilang mga makukurakot sa kaban ng bayan?! Napaka-imposible naman na magpahanggang ngayon ay hindi pa nila alam na maraming pamilya na tumatanggap ng abuloy ay hindi naman qualified na tumanggap, at ang karamihan ay may magaganda pang trabaho, at kadalasan ay may kapamilya ang mga ito na nagtatrabaho sa abroad. May lugar naman na alam natin na may napakaraming mahirap ngunit halos walang natatanggap na abuloy sa programang ito ng pamahalaan. Ang masaklap pa sa programang ito ay isinasangla ng iba ang kanilang card na nagpapatunay na may karapatan silang tumanggap ng abuloy! Maganda bang ipinakikita sa ating mga anak na tumatanggap na nga ang mga magulang nila ng abuloy ay isinasangla pa nila ito? Sa panahon ni Noynoy ay nagkaroon tayo ng lipunan ng mga pulubi (SOCIETY OF MENDICANTS), mayroon pa tayong lipunan ng mga nagsasangla? Hindi kaya ang tunay na dahilan kaya gusto na naman dagdagan ng dilaw na pamahalaan ni Noynoy ang pondo ng CCT ay dahil sa parating na eleksyong nasyonal? Alam kasi ni Noynoy na kapag hindi nya kaalyado ang susunod na pangulo ay sandamakmak na kaso ang kanyang kakaharapin tulad ng ginawa nya sa dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo!
Posted on: Tue, 23 Jul 2013 05:50:16 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015