CONDOLENCE PO SA Flickhoundz FAMILY .. R.I.P Joven - TopicsExpress



          

CONDOLENCE PO SA Flickhoundz FAMILY .. R.I.P Joven (flickhounds/adviser) nakikiramay po kmi buong Ef Crew ( EL FILIPINOS ) at sana mahuli na po ang gumawa ng masama sayo JOVEN. .... Kritikal na isinugod sa ospital ang isang lalaki matapos barilin sa noo sa hilera ng mga bar sa Tomas Morato, Quezon City. Sa inisyal na imbestigasyon ng QC Police Station 10, lumalabas na nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng mga kostumer ng Guillys Bar na sina John Kieruf Preysler, 20-anyos at gunman na nakilala lamang na "Julius". Nag-ugat lamang umano ito sa masamang tingin ni Preysler sa asawa ng gunman noong nasa loob ang mga ito ng bar kaya sinita ng suspek. Nang makalabas ng bar, sinapak pa ng suspek si Preysler. Inireklamo ni Preysler sa mga bouncer ang lalaki ngunit bigla na lamang umano itong nagpaputok ng baril, swerteng hindi siya tinamaan. Gayunman, isang lalaking kostumer din ng bar na kinilalang si Joven Dizon ang nabaril at tinamaan sa noo sa dalawang putok na pinakawalan ng suspek. Hindi pa tukoy ang baril na ginamit ng suspek ngunit tumagos sa likod ng ulo ng biktima ang balang tumama rito. Isinugod na ang biktima sa Capitol Medical Center. Agad namang tumakas ang gunman at tinutugis na ng pulisya ngayon. Sinusuri na ng mga awtoridad ang kuha ng closed circuit television (CCTV) sa lugar bagamat sinasabing hindi umano gumagana ang mismong camera na nakatapat sa Space Bar na pinangyarihan ng komprontasyon. Samantala, nawawala rin umano ang wallet at cellphone ni Dizon. Tumanggi naman ang pamunuan ng mga bar na magsalita sa insidente. Report from: Johnson Manabat, Radyo Patrol 46
Posted on: Fri, 12 Jul 2013 12:24:59 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015