Confession #140 REGRET Hi. Isa akong akong proud student ng - TopicsExpress



          

Confession #140 REGRET Hi. Isa akong akong proud student ng PUP. Meron akong ex-girlfriend. Naging kami nung fourth year ako. Nagkahiwalay din kami after ng graduation dahil sa nakikita ko na masaydo na siyang kinakawawa ng pamilya niya para ipaglaban ang kung anong meron kami. Kilala kasi ako ng pamilya bilang manliligaw lang, pero nakakaramdam na sila kaya kung anu-ano na ang pinagsasabi nila sa ex ko. Kaya mas minabuti ko na itigil na ang kung anong meron sa amin. Masakit pero yun na lang ang nakikita kong paraan para matapos na ang sakit na nararamdaman niya. Ngayong 2nd year na ako. Lagi na siyang pumapasok sa isip ko. Sa tuwing nakikita ko ang mga pictures niya sa FB parang bumabalik yung mga panahong masaya kami at walang iniintindi kundi si Lord at kaming dalawa lang. Nagsisisi ako na hiniwalayan ko siya. Ngayon, hindi ko alam kung may gusto pa siya sa akin pero kahit ako hindi ko sure kung totoo ba tong nararamdaman ko. Gusto ko ba siyang balikan o hindi? Paano kapag ni-reject niya ako? Paano kung wala na talagang pag-asa? Disk Jockey COC
Posted on: Wed, 13 Nov 2013 14:46:53 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015