Corals, giant clams sa Ayungin Reef sinisimot ng Chinese - TopicsExpress



          

Corals, giant clams sa Ayungin Reef sinisimot ng Chinese poachers Kinumpirma ni Armed Forces Chief of Staff Gen. Emmanuel Bautista ang patuloy na iligal na aktibidad ng mga Intsik sa Ayu­ngin Shoal, Kalayaan Island Group, Palawan kung saan tila balak ubusin ang mga corals, giant clams at iba pang uri ng lamang-dagat doon kahit na may mga sundalo ng Philippine Marines na nakahimpil doon pero walang magawa kundi panoorin na lamang ang ginagawang pagnanakaw. “Tuluy-tuloy na naroon ang mga barkong Chinese Maritime Surveillance (CMS),” ani Bautista. Noong Mayo, dinaluhong ng mga bangkang pangisda kasama ang mga barko ng Navy at CMS ang Ayungin makaraang maghain ang Manila ng protesta laban sa China sa international court dahil sa ginagawa ng huli na panghihimasok sa teritoryo ng bansa. “Kung minsan me­ron pa ‘yung mga barko ng PLA (People’s Liberation Army) Navy doon. Me­ron ding mga mangingisda doon na kumukuha ng ating giant clam,” ani Bautista. Sa interview sa telepono, kinondena ni KIG Mayor Eugenio Bito-onon ang ginagawa ng mga Intsik sa Ayungin. “Kahit sino namang environmentalist o tala­gang people that cares for the sea lalo na ang mga fishermen, the destruction of their livelihood will lead them to condemn what the Chinese are doing. Kini-condemn nga natin ‘yung black fishermen (poachers) at ‘yung gumagamit ng obnoxious chemicals, ito pa kayang nagdi-dig ng corals, destroying our corals,” himutok nito. Pero aniya, wala naman silang magawa kundi makinood na rin sa pagnanakaw ng mga Intsik sa kanilang yamang-dagat. “Last week, I just heard mula sa kuwento daw ng mga piloto na punung-puno na naman ng clams ‘yung mga barkong nakahimpil sa kabilang bahura. Wala e, you know, I got used to hearing, alam ko naman hindi ko naman sila maitaboy. Balak ko pa sanang maglagay ng marine farm doon, fish caging at seaweeds farming. The trouble is doon naman lahat nag-a-anchor ang mga foreign vessels at saka fishermen kapag masama ang panahon. E ngayon kapit-tuko na du’n ang mga Chinese,” anang mayor. abante.ph/issue/aug2913/news10.htm#.Uh5svb7nY5s
Posted on: Wed, 28 Aug 2013 21:35:03 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015