Crab Mentality – Matagal na nating problema ‘to hindi ko alam - TopicsExpress



          

Crab Mentality – Matagal na nating problema ‘to hindi ko alam kung anong nasyon ang nagdala sa’tin ng ugaling ito. Kawawa naman ang mga talangka at pati sila ay nadadamay sa hindi kagandahang term na ‘to. Sa trabaho, sa showbiz, sa eskwela, sa abroad, sa kapit-bahay at kung saan-saan pa ay marami ang mga may utak-talangka. Sila ung mga taong hindi masaya kapag may nakikita silang ibang-tao na umaangat o umaasenso ang buhay, pilit nila itong gagawan ng kasiraan at hihilahin pababa kung hindi man nila mapigilan ang pag-asenso ng iba somehow nasira naman nila ang pagkatao nito. Kahit na walang sapat na basehan marami ding napapaniwala ang kasiraang ito dahil ang Pinoy mabilis mapaniwala sa “tsimis” at asahan mo kakalat ito ng parang virus. Isa lang naman ang dahilan nito: INGGIT. Sigurado ako ikaw mismo o kakilala mo ay nakaranas na ng ganitong treatment sa isang kapwa mo rin Pilipino. -From Kuro-Kuro Philippines,
Posted on: Wed, 14 Aug 2013 07:28:53 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015