DALAWANG SUNDALO na nasugatan sa pagsabog ng IED sa Midsayap, - TopicsExpress



          

DALAWANG SUNDALO na nasugatan sa pagsabog ng IED sa Midsayap, North Cotabato, LIGTAS na. NASA MAAYOS na kondisyon na ngayon ang dalawang sundalo na nasugatan matapos sumabog ang isang Improvised Explosive Device o IED malapit sa detachment ng Charlie Company ng 40th Infantry Battalion sa Barangay Nabalawag, Midsayap, North Cotabato. Kinilala ni Midsayap PNP Chief of Police Supt. Renante Delos Santos ang mga SUGATANG sundalo na sina Staff Sgt. Rodolfo Obugan at Sgt. Raymond Sapon ng 7th Field Artillery Battalion. Batay sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang pagsabog dakong alas syete ng umaga kahapon malapit sa pinagkukunan ng tubig ng mga sundalo. Ayon naman sa pagsisiyasat ng Explosives Ordnance and Disposal team, gawa sa bala ng 60mm mortar ang IED at ginamitan ng cellphone bilang triggering device. SAMANTALA, hindi pa rin matiyak ng mga awtoridad kung sino o anong grupo ang nasalikod ng pagpapasabog. Ayon kay Midsayap PNP Chief of Police Supt. Renante Delos Santos, malaki ang posibilidad na malapit lang sa blast site ang mga suspek. Nabatid na ang water pump kung saan pinasabog ang IED ay higit 300 metro lamang ang layo mula sa detachment ng Charlie company ng 40th IB. #NDBC
Posted on: Sat, 31 Aug 2013 00:17:04 +0000

Trending Topics



//www.topicsexpress.com/Piero-di-Cosimo-Reviews-on-Piero-di-Cosimo-links-to-the-topic-155990261267209">Piero di Cosimo, Reviews on "Piero di Cosimo,", links to the
monstermmorpg/Monster Ash has a Sceptile that he caught as
This Friday at Chinese Laundry will be a huge one! Hot Since 82
It’s a monumental task tending the 25 acres of an intensive
Não adianta viver de máscaras, não adianta fingir ser santo(a)
NYDJ Barbara Stretch Corduroy Bootcut Jeans Regular Petite

Recently Viewed Topics




© 2015