DFA at DSWD aligaga sa Saudization deadline Kumilos na ang - TopicsExpress



          

DFA at DSWD aligaga sa Saudization deadline Kumilos na ang Department of Foreign Affairs (DFA) para ayudahan ang mga undocumented Filipino workers na nananatiling nasa bansang Saudi Arabia habang papalapit ang takdang araw para pauwiin ang mga ito sa Nobyembre 3. Ayon kay DFA spokesman Raul Hernandez, tumulak na kahapon sina DFA Undersecretary for Migrant Workers Jesus Yabes at Department of Social Welfare and Development (DSWD) Undersecretary Paricia Taraji upang kausapin ang immigration at labor officials ng Saudi para matulungang isaayos ang repatriation ng mga undocumented Filipinos. “They will meet with Saudi social welfare and immigration officials, to explore possible solution to this issue, and to check on the conditions of undocumented Filipinos both in Riyadh and Jeddah,” sabi pa nito. Sa kasalukuyan aniya ay aabot sa mahigit 1,500 ang naghihintay ng kanilang immigration clearances para mapauwi sa Pilipinas habang mahigit pa sa 4,300 ang naghihintay ring matulungan ng DFA. Nagbukas na rin aniya ang Philippine Embassy sa Jeddah ng pansamantalang tirahan ng mga kababaihan at mga anak ng mga ito para matuluyan ng mga walang kaukulang dokumentong Pinoy. Mayroong 109 indibidwal na umano ang nai‐lipat sa nasabing temporary shelter na di-kalayuan sa tanggapan ng embahada. Sinabi pa ni Hernandez na ginagawa lahat ng pamahalaan para matulungan ang mga undocumented Filipinos na makabalik sa bansa kahit magtapos na ang Nobyembre 3. “After the grace period, the normal immigration and labor laws and regulations will again come to the effect, requirements like no objection certificates, payment of fines and other sanction will likely be imposed on them,” sabi pa nito. Chen
Posted on: Wed, 30 Oct 2013 01:44:22 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015