DFA sa illegal Pinoys: Sundin ang mga bagong polisiya ng - TopicsExpress



          

DFA sa illegal Pinoys: Sundin ang mga bagong polisiya ng Saudi (Noel Abuel) Umapela ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa lahat ng overseas Filipino workers (OFWs) na nasa bansang Saudi Arabia na kabisaduhin ang bagong panuntunan na inilabas ng naturang pamahalaan para maiwasan ang problema matapos ang deadline noong Nobyembre 3. Ito ang sinabi ni DFA spokesman Raul Hernandez matapos na iparating ng Saudi government sa Philippine Embassy sa Riyadh sa pamamagitan ng pormal na diplomatic note ang bagong panuntunan at regulasyon para sa mga foreign workers na lalabag sa labor at residency laws. Kabilang sa sakop ng nasabing bagong panuntunan, na ang lahat ng mga dayuhang manggagawa na ilegal na magtatrabaho o oversta­ying ay aarestuhin, pagmumultahin at ide-deport. Kakasuhan din ang mga employers na magbibigay ng empleyo at tulong sa mga illegal workers. Sasagutin din ng employers ang gastusin sa deportation ng mga mahuhuling illegal workers na nagtatrabaho roon. Gayundin, sasagutin ng Saudi government ang travel ticket ng mga ide-deport na illegal workers na walang kakayahang makabili ng tiket. Samantalang ang mga overstayers ay ide-deport sa gastos ng employers. creator.-))
Posted on: Fri, 08 Nov 2013 05:07:53 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015