DFCAMCLP Confessions #92 WEIRD Bakit ayaw niyo, lalo na si - TopicsExpress



          

DFCAMCLP Confessions #92 WEIRD Bakit ayaw niyo, lalo na si Badboy, sa ipis? Bakla ako pero love ko sila. Sabi sa isang pag-aaral, ipis ang pinakamalinis na insekto ever. Pero hindi ito tungkol sa pagmamahal ko sa ipis. Weird akong tao. Aminado ako don. Doon palang sa love ko sa mga ipis. Dahil sa ka-weirdohan kong taglay, nasanay akong kausapin ang sarili ko. Nasa jeep ako that time, wala ang mga friend ko, nang mapatigil ang jeep sa tapat ng Perpetual dahil sa traffic. Pagtingin ko sa labas ay may nakita akong gwapong nilalang. Ang halay mo, saway ng isa kong pagkatao. Sadyang naa-appreciate ko lang ang biyaya ni God, sagot ng isa. Hanggang sa nagtalo sila sa loob ko, na naging dahilan para bumungisngis ako. Napatigil lang lang ako nang makitang nakatingin na pala sakin ang ibang pasahero. Nakakahiya! Dapat pala nilabas ko ang phone ko para kunwari may katext ako. Haha. Pero kahit na ganon ang nangyari, hindi ko pa rin mapigilan na kausapin ang sarili ko. Haha. Minsan pa nga napapalakas e. Haha. Nakakahiya! - Ice Cream #DFCAMCLPconfessions
Posted on: Sun, 24 Nov 2013 14:40:13 +0000

Trending Topics



/a>

Recently Viewed Topics




© 2015