DONT LIMIT YOUR DREAMS, AIM HIGH AND HIT THE MARK. REMEMBER THAT - TopicsExpress



          

DONT LIMIT YOUR DREAMS, AIM HIGH AND HIT THE MARK. REMEMBER THAT OUR SUCCESS IS MEASURED BYHOW WE THINK. Naririnig mo ba ito sa sarili mo o sa mga kaibigan mo? Hindi na bale akong mahirap, basta masaya naman kami. Hindi importante sa akin ang pera. Ito lang ang kaya kong maabot dahil mahirap lamang kami. Ang tawag dito ay defense of justification .Binibigyan natin ng justification ang kasalukuyan nating sitwasyon bilang depensa sa masasabi sa atin.Ang pagjustify natin o pagtatangol sa ating current situation ay isang pagbubulag sa ating mga matadahil hindi natin tinatanggap ang ating kamalian. Ang pagjustify natin sa ating kinasasadlakan ay nagcoconvince sa ating mga mind na tama na ito,suko ka na at hanggang diyan ka na lang.Hindi ito tamang attitude para sa isang taong gustong magingsuccessfu l. We should be brave enough to accept our mistakes and we should be committed to ourselves to correct ourselves, move forward and achieve our dreams. Huwag nating i-justify sa sarili natin na hanggang diyan na lang ang buhay natin dahil meron tayong kakayahan na umunlad at makamit ang ating mga pangarap. As long as may positibong pananaw tayo na kaya natin baguhin ang ating buhay at tayo ay may sipag at tiyaga, everything is possible. Maganda ang praktikal na turo ni Robert Kiyosaki, ang author ng librong Rich Dad, Poor Dad at Be Rich and Happy. Sinasabi niya na ang katayuan ng tao ay depende sa disposisyon ng kanilang mga utak.Ito ay inihalintulad niya sa takbo ng pananaw ng kanyang Rich Dad at Poor Dad. Sabi niya: My poor dad often said, “I’d rather be happy than rich.” My rich dad said, “Why not be both?” Nililimitahan ni Poor Dad ang kanyang sarili na hanggang doon lang siya, na wala na siya magagawa sa buhay niya. Ngunit kay Rich Dad, hindi niya nilimitahan ang sarili dahil alam niya na magagawa siya sa buhay niya para makuha ang gusto niya, maging both rich and happy. Ang laging nasa utak natin na posibleng naririnig din natin sa mga magulang natin ay kung ano ang nasa utak ni Poor Dad. Dapat nating baguhin ang pananaw natin sa buhay na kaya nating maging masaya at mayaman at the same time.Remember, walang nakalagay sa birth certificate natin ng anumang limitasyon sa ating mga pangarap. Ang ating sarili, ang ating pananaw sa buhay ang nagbibigay ng limitasyon sa ating sarili at sa ating mga pangarap, at sarili rin natin ang makakatanggal dito. Kung sinimulan ng ating mga pag-iisip na may kakayahan tayo na tuparin ang ating mga pangarap, madali na nating diktahan ang ating mga katawan na kumilos para dito. DONT LIMIT YOURSELF, YOU HAVE THE POWER TO GROW AND DEVELOP.
Posted on: Sun, 20 Oct 2013 05:44:39 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015