DUYAN 6........Tandang-tanda ko pa nang akoy bata pa, sa Lawa ng - TopicsExpress



          

DUYAN 6........Tandang-tanda ko pa nang akoy bata pa, sa Lawa ng Taal, isda ay sagana: siliw, banak, beya, tawilis, kataba, kitang, lumulukso, maliputo, igat!.......Marami ring dangat, gono, hipon, katang, susu, sehi, peras, masarap pang-sigang, sahog ay kamatis, sibuyas at bawang, sa simpleng pamilya, okey na rin iyan!.......Noon pag kapkap mo sa gilid ng bato, na lubog sa tubig ay makakapa mo, madulas, maitim, matabang pauto, katang, gumagapang ay madadampot mo!.......Tawilis sa laot kahit sa tangaran, ang sabi nga nila ay palabigasan, sang bantas na panti pwede nang pagkunan, pambili ng bigas, gastusin sa bahay!.......Kapag tag habagat, kulimlim, maulan, beyay dumuduong na ang kahulugan nalula sa klima, nahilo sa ulan, dinadampot lamang sa dakong mababaw!........Lahat na yoy likas, walang artipisyal, kaloob ng Diyos totoong natural, mahal nating Tamboy duyan ng tagumpay, payak, at masaya, maginhawang buhay! Oct 22, 2013, Tue 110am.
Posted on: Tue, 22 Oct 2013 13:58:23 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015