Dingdong, Marian, at iba pang Kapuso stars walang tigil sa - TopicsExpress



          

Dingdong, Marian, at iba pang Kapuso stars walang tigil sa pagtulong Kung nanood kayo ng special presentation ng GMA 7 na Tibay ng Pusong Pilipino kahapon, kahit more than a week nang nanalanta ang bagyong Yolanda, hindi ka pa rin makapipigil na maiyak. Sa pangunguna nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, nagtipun-tipon ang mga Kapuso star at news anchor sa Studio 6 & 7 ng Annex building ng network para sa te*lethon at sila-sila rin ang magkakatulong na nag-pack ng relief goods, sa tulong din ng Philippine Marines, at sumagot sa mga tawag ng mga donor. Nagbigay din sila ng mga napapanahong awitin. Marami pang ibang singers na nakiisa sa special presentation. Ang lahat ng donations ay mapupunta sa Kapuso Foundation at sa Yes Pinoy Foundation. Lahat naman ng matatanggap nilang donations sa telethon ay mapupunta sa Ka*puso Foun*dation. Ipinakita rin ang mga kaba*ayan natin abroad na nag*padala ng kanilang donations sa Kapuso Foundation. May live reports din mula sa affected areas ang mga top news correspondent ng GMA News & Public Affairs at ipinakita nila ang dahan-dahang pagbangon ng mga sinalanta ng bagyo pero na*ngangailangan pa sila ng marami pang tulong para tuluyang makatayo. (Nora Calderon)
Posted on: Sun, 17 Nov 2013 17:12:41 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015