DoLE sa Pinoy workers : Mag-ingat sa alok na trabaho sa - TopicsExpress



          

DoLE sa Pinoy workers : Mag-ingat sa alok na trabaho sa Canada Nagbabala ang Department of Labor and Employment (DoLE) sa mga Filipino household service workers (HSWs) na nagtatrabaho sa Hong Kong laban sa mga inaalok na pekeng trabaho sa Canada. Ayon kay Philippine Overseas Employment Administration chief Hans Cacdac, nasa 44 Filipino HSWs sa Hong Kong ang nabiktima ng panloloko kung saan nagbayad pa ng placement fees para sa pekeng trabaho sa Canada. Tinukoy ni Cacdac ang Yamsuan and Associates Overseas Employment Services Ltd./Pacific Management Services Ltd., na umanoy pinangangasiwaan ng Pinoy, ang nagpaskil ng advertisement sa isang english news papers sa Hong Kong upang akitin ang mga trabahante na magbayad ng hanggang sa 300 dollar na placement fees para sa umanoy trabaho sa Canada ngunit natuklasan na isa palang panloloko. BRP Admin Rapista
Posted on: Sat, 22 Jun 2013 07:25:38 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015