Dr. Eric Tayag ng DOH nagpaalala sa mga evacuees na ikonsumo ang - TopicsExpress



          

Dr. Eric Tayag ng DOH nagpaalala sa mga evacuees na ikonsumo ang lutong pagkain sa evacuation centers sa loob ng apat (4) na oras para maiwasan ang kontaminasyon. Paalala rin ng doktor na pwedeng gumawa ng home-made Oresol kontra dehydration. Gumawa lamang ng isang solution ng 1 litrong malinis na tubig, anim na kutsaritang asukal, at kalahating kutsaritang asin. Para sa alipunga, pwede rin ang remedyong ito: ibabad ang paa sa mixture ng 1 part white vinegar, 4 parts ng tubig sa loob ng 15 minuto saka punasan gamit ang malinis na towel. Para sa Leptospirosis agad itong dalhin sa doktor.
Posted on: Wed, 21 Aug 2013 11:21:57 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015