ELEKSYON 2016 NAGSIMULA NA! Noong isang araw ay bumulaga sa mga - TopicsExpress



          

ELEKSYON 2016 NAGSIMULA NA! Noong isang araw ay bumulaga sa mga dilaw na pahayagan ang pagkanta daw ng isang nilalang sa maanomalyang paggamit ng pork barrel ng ilan nating mga senador at kongresista. Ginagawan daw ng paraan na napupunta sa mga bogus na non-government organizations ang pondo sa tulong ng mga kakutsaba na may kaugnayan sa mga nasabing opisyales. Kasama sa listahan sa mga ikinanta ay ang mga senador na sina Loren Legarda, Juan Ponce Enrile, Bongbong Marcos, Jinggoy Estrada, Gringo Honasan at Bong Revilla. Ilan sa mga ito ay napapabalitang may balak na tumakbo sa eleksyon 2016! Ngunit ang nakakapagtaka lang ay kung bakit agad-agad ay inalis sa listahan si Loren Legarda, gaya na rin ng mabilisang pag-alis sa kaalaman ng madla ang kuwestyon tungkol sa kanyang SALN ng kanyang mga milyon-milyong dolyares na halaga ng kanyang mga ari-arian sa abroad. Ating alalahanin na ito ang dahilang ginamit sa pagpapaalis nila sa puwesto kay Supreme Court Chief Justice Renato Corona! Halatang-halata ang pagtatakip sa mga kaalyado ng Kultong Dilaw, na kapag hindi nila mga kaalyado ay ginagamitan nila ng trial by publicity o demolition job! Inilalabas nila ang palpak na balita para masira sila mga mamamayan kahit wala pang konkretong katibayan ukol sa sinasabi nilang pagkakasala. Saka na lang malalaman na nagkamali pala sila sa kanilang ibinibintang kapag nalason ng isipan ng mamamayan sa kanilang maling akusasyon! Gaya na lang ng nangyayari ngayon kay dating Pangulong Gloria. Magpahanggang ngayon ay wala pa rin silang napapatunayan sa kanilang mga ikinaso. Hanggang sa puro kwentong barbero lang at pagsasayang ng pondo ng pamahalaan ang ating mga nakikita! Tama ba yan Noynoy? Hindi ka ba nahihiya sa pinaggagawa ng mga ka-kulto mo? Hayan at nanalo na naman si CGMA ng landslide sa kanyang distrito o hindi mo na naman yun alam dahil sa puro playstation lang inaatupag mo? Sa mga netizens, advice ko lang na dapat maging matalino sana tayo... huwag tayong basta maniniwala sa mga hindi makatarungang pamamaraan ng mga alagad ng Kultong Dilaw!
Posted on: Thu, 18 Jul 2013 05:02:09 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015