Egypt pres.tahimik sa 48 oras deadline ng militar, 8 patay higit - TopicsExpress



          

Egypt pres.tahimik sa 48 oras deadline ng militar, 8 patay higit 700 sugatan sa protesta Written by Leizl Galan Published in International News Tuesday, 02 July 2013 07:33 0 0 CAIRO, Egypt - Tahimik ngayon si Egyptian President Mohammed Morsi sa 48 oras na ultimatum na ibinigay ng militar upang resolbahin ang krisis sa nasabing bansa. Kagabi nang magbigay ng ultimatum ang Egypt military kung saan inaatasan si Morsi na magpatupad ng power-sharing o mapilitan ang militar na magpatupad ng sariling road map para sa bansa. "If the demands of the people are not realized within the defined period, it will be incumbent upon (the armed forces) ... to announce a road map for the future," ani chief-of-staff General Abdel Fattah al-Sisi. Ito ay sa gitna ng malawakang kilos protesta sa Egypt kung saan walo na ang patay habang higit 700 ang sugatan. Nangangamba ang ilang grupo sa Egypt na bumalik na naman ang military rule sa bansa. Gayunpaman, itinanggi ng militar na nagbabalak sila ng kudeta. Kaagad namang tinawagan ni US Joint Chiefs of Staff chairman Gen. Martin Dempsey ang chief of staff ng Egypt military kasunod ng ibinigay na ultimatum sa gobyerno.
Posted on: Mon, 01 Jul 2013 23:38:58 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015