"Emong" Nasa Labas na ng Phl.- PAGASA via Bomboradyo June 20, - TopicsExpress



          

"Emong" Nasa Labas na ng Phl.- PAGASA via Bomboradyo June 20, 2013 Nakalabas na sa Philippine Area of Respnsibility (PAR) ang bagyong Emong. Ito ang nilalaman ng final weather bulletin ng Pagasa para sa naturang sama ng panahon ngayong umaga. Ayon kay forecaster Gener Quitlong, huling namataan ang bagyong Emong sa layong 570 kilometrong hilagang silangan ng Basco, Batanes. Taglay pa rin nito ang lakas ng hangin na 75 kilometro kada oras at may pagbughong 90 kilometro bawat oras. Kumikilos ito ng pahilaga sa bilis na 22 kilometro bawat oras. Ang binabantayang low pressuse area (LPA) ay kasalukuyang nasa 450 kilometro sa kanlurang Ambulong Tanawan, Batangas. ::kurarapnit::
Posted on: Thu, 20 Jun 2013 00:38:23 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015