FROM: Jovelyn Laude Bayubay A Fairy MAID Story Saktong alas dose - TopicsExpress



          

FROM: Jovelyn Laude Bayubay A Fairy MAID Story Saktong alas dose na pala ng hatinggabi! Sana buhay ko ay katulad sa paborito kong fairytale story na si Cinderilla. Na pweding magbago ang kaanyuan ko ng ilang oras bago mag-alas dose, na kahit sandali maranasan ko ang buhay na parang fairytale. Na may magic wand at maging KADAMA (katulong) si Madam, hahaha! (Kayo naman nagbibiro lang). Kung pwedi lang sana na maging katulad ng mga kwentong pambata, ang buhay nating mga OFW. Kaso iba ang ikot ng orasan natin, dahil hating gabi sana ay sleeping beauty na sana ako sa sahig na kawayan, sa bahay kubo kong tahanan. Kaso isang malakas na sigaw pa ang papasok sa aking tenga. Madam: Bring for me a glass of water! Inday Jo: Coming Madam! Halos liparin ko ang kusina, parang si Batman at Superman na walang kapa nga lang. Sus ko naman di pa napuno ang baso? May isang tawag naman, "Give me a tissue!" Tutuli ko ay halos matilapon sa lakas ng tili. Kaya takbo,akyat,baba ang eksena sa hagdan. Anong oras na ba? Naku! Hating gabi na, mata ko ay namumugay sa antok. Halos di ko na maihakbang ang aking mga paa sa pagod, gusto kong magpahinga sana. Kaso di pa tapos ang misyon ko dahil walang paundakang utos dito, tawag doon! Ewan ko ba sa mga taong ito, walang kabusugan ang sikmura at kaluluwang matulog ng maaga. Sana may diwata ang mga katulong noh? Na gawing Kadama (katulong) si Amo ng ilang oras! Para malaman niya ang ilang bagay, ang buhay ng isang inday o OFW. Ano kaya ang maging pakiramdam nila? Pag maranasan nila ang mga bagay at pangyayaring ito: 1. Ang hirap pala na malayo sa pamilya: Ganito pala ang homesick! Kung bakit gabi-gabi umiiyak ang katulong ko! 2. Ang magtrabahong gutom, dahil tinapay lang ang ipakain o di kaya buto-buto ng manok. 3. Ang tawaging BASURA, HAYOP! Sa mga mura nila at sampal sa simpleng mali. 4. Ang pasuotin ng mga damit na nagmukhang table cloth sa kalsada, na kulang nalang ay flower vase at paro-paro pwedi ng pang display sa flower shop. 5.Ang makati ang ulo kahit di makati dahil may txt naman na...KAILAN KA MAGPAPADALA? LAKIHAN MO HA? 6. Ang mangutang sa kasamahan o cash advance ng ilang buwan para madagdagan ang perang kailangan ng mga mahal sa buhay. 7. Ang umuwi na walang kahit isang singko sa bulsa at bahay ay sira dahil di sinwerte sa isang pakikipagsapalaran. 8. Ang makita ang loob ng kahon na dumating ay ang mahal pala na INA! TATAY! ANAK! pala na nasawi sa isang masalimoot na pakikipagsapalaran para sa magandang kinabukasan SANA. Ano kaya ang magiging pakikiramdam nila pag naranasan nila ang naransan nating mga OFW? Maging linya ka nila ay: 1. Ganito pala ang maging katulong o OFW? 2. Ganito pala ako kadamot sa katulong? Mali pala ang pagtrato ko sa kapwa ko! 3. Hirap palang maghanap ng pera para sa pamilya. Kaya pala kahit anong pagod tiniis nila! 4. Ganito pala kasakit ang mawalan ng mga mahal sa buhay! Kay hirap pala na makita ang mahal ko na wala ng buhay! 5. God please forgive me sa lahat na nagawa ko. Ang sarap sanang pakinggan kong matauhan sila sa lahat ng kamalian nila sa pagtrato sa atin bilang alipin nila. Alam ko po ang layo ng imahinasyon ko pero, isang katotohanan sa buhay natin dito sa bansang dayuhan. Mga impossibleng bagay na pweding maging posible di ba? Dahil di natin alam ang ikot ng mundo, baka bukas makalawa tayo naman ang nasa katayuan nila. Baka magkatotoo na may Fairy Maid story na magic mop ang bida, ito ay isang artikulo lang ng aking isipan kong bakit ko ito naisulat? Dahil saktong alas dose na dito sa bansang qatar, ito pa ko dilat ang mata! Naghihintay ng utos na walang katapusan. Kung kailan matapos ang serbisyo ng Fairy Maid Story. Jovelyn Laude Bayubay ang inyong bidang inday dito sa gitnang silangan. "Habiba "
Posted on: Fri, 20 Sep 2013 09:14:33 +0000

Recently Viewed Topics




© 2015