Forecast in Filipino Ang MIMAROPA, Kabikulan, Kabisayaan at - TopicsExpress



          

Forecast in Filipino Ang MIMAROPA, Kabikulan, Kabisayaan at Mindanao ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan at pagkidlat-pagkulog. Ang Metro Manila at ang natitirang bahagi ng Luzon ay magiging bahagyang maulap hanggang sa maulap na may pulu-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog lalo na sa dakong hapon o gabi. Mahina hanggang sa katamtamang hangin mula sa hilaga hanggang hilagang-kanluran ang iiral sa Luzon at mula naman sa hilagang-kanluran hanggang timog-kanluran ang iihip sa nalalabing bahagi ng bansa. Ang mga baybaying-dagat sa buong kapuluan ay magiging banayad hanggang sa katamtaman ang pag-alon.
Posted on: Tue, 08 Oct 2013 21:15:51 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015