Give Me a Reason to Live by Eijei Meyou Chapter XXIV Jessie’s - TopicsExpress



          

Give Me a Reason to Live by Eijei Meyou Chapter XXIV Jessie’s POV 6am I looked at my body once again… At lumakad na ako palayo sa hospital room ko. Mga yabag ko lang at mahinang pintig ng puso ko ang naririnig ko… Naaalala ko pa rin si Geoff…this is goodbye. Tss. Naglalakad lakad lang ako at tumitingin tingin sa paligid. Ang mundong kinalakhan ko ay tuluyan ko ng iiwan. J at ang katangi tanging lalaking nagparanas sakin ng tamis ng unang halik…at nagpatikim sakin ng kasaklapan ng unang pagkawasak ng puso…ay tuluyan ko na ring iiwan. “I will miss you, people!” Ngumiti ako. Bukas pa yung ulan sabi nila pero makulimlim naman ang langit ngayon. Nagpunta ako sa simbahan mga 11am. “Uulan ngayon,” sabi ni lola. Umiling ako, “naku, lola, bukas pa daw. Pramis!” “Hindi,” kontra pa rin nya, “uulan talaga ngayon.” “Ang kulit mo din , lola…” nagdasal na lang ako kesa makipagdebate kay lola. Krug! (di ko makuha yung right sound!) Kumulog ba? Kulog yun? Tanghali na so dapat mainit na,, pero hindi eh. “Sabi ko sayo, uulan eh.,” parang batang sabi ni lola sa kin. “Ha? Hindi maaari! Bukas pa sana to!” Di ko na hinitay yung sasabihin ni lola, tumakbo ako palabas ng simbahan. Pagtingala ko… Naramdaman ko yung isang patak na dumampi sa ilong ko… hindi to totoo… Kanya kanyang nagtakbuhan ang mga tao sa kung saan may silong. Chuweng! “Hoy!” “Ha?” Nagpalinga linga ako. So, nasa langit na ako ngayon. Andun si Peter sa sofa na puti, nakaharap sa TV, at alam nyo kung ano pinapanood? Tom and jerry kids. Isip bata talaga. “Ang daya! Bukas pa dapat yung ulan ah!” Angal ko. “Sino meh sabi?” “Yung forecaster.” “Hindi lahat ng sinasabi ng weather forecaster, dapat mong paniwalaan. Ano ka ba… hehe.lika, may pupuntahan tayo.” “Saan na naman?” “Jan lang oh, papasok lang tayo sa pinto na yan,” may tinuro siya sa likuran ko. “Wala namang pinto kanina ah?” “Ngayon nga meron na, ang dami mong reklamo. Tara.” Inakbayan pa nya ako at giniya sa pinto. Pagpasok namin, nakakita ako ng dalawang papel na kulay yellow tsaka dalawang ballpen. “Ngayon magsulat na tayo ng hiling natin… oh, eto sayo…” inabot nya sakin yung isang papel tsaka ballpen. “Lupet ng ballpen! Violet pa ha? ang arte naman ninyo dito!”Nasiyahan talaga ako sa ballpen. So eto na yung moment na kahit mabuhay man ako o hindi, may isa pa rin akong kahilingan. Noon ko pa to naiisip eh. At yung plinano kong hiling noon ang siyang isinulat ko sa papel… Mas naunang natapos si Peter kesa sakin. Mukhang planado na din nya yung hiling niya. “Tapos ka na? ilagay mo sa bote.” “Bote?” Wala naman akong nakikitang bote ah. “Eto oh,” at lumitaw sa isang kamay nya yung munting bote. “Magic! Hehe.” ri-noll ko yung papel at pinagkasya sa bote. “San ko ilalagay?” “Dyan sa basket.” Di na ako nagtanong kung anong basket kasi alam ko namang lilitaw din yun mula sa kung saan. At heto na nga, lumitaw nga, nilagay namin dun yung bote namin. “Ano na ngayon?” tanong ko sa kanya. “Pumili ka ng pintong papasukan mo…” “Pinto?” “Sa likuran mo.” “Wala naman pinto kanina jan ah?” “Ineng, heaven ito kaya masanay ka na. Ahysus.” Humarap na nga kami sa pintong sinasabi nya. parehong puti ang mga yun. Para saan ang mga iyon? “Right or left?” “Right na lang.” tama ba yung pinili ko? “Engks,hehe. Mali… sa left ka.” “Nagtanong tanong ka pa kung ikaw rin naman pala magsasabi kung saan ako papasok. Hmp. Ano bang nandyan?” “Basta pumasok ka na lang,” tinulak pa nya ko. “Sumama ka!” Hinila ko yung kamay niya. “Ayoko nga! Pasok na! Ang tagal, holloween na oh.” “Eeeee naman kasi , Peter!” Palapit na palapit ako sa pintong nasa left side. “Jessie…” “Ha?” nilingon ko siya ng bahagya. “Ano yung hiniling mo?” Pakelamero. “Sana mabuhay ka na. :)” “Aw. Ang sweet mo.” “Ikaw, ano yung hiniling mo?” “Maalala ka ng mga taong nagmahal sayo habang kaluluwa ka pa…at kabilang na ‘ko dun.” Naiiyak ako! Sheyts! “Salamat, Peter.” So kahit mamatay pala ako, may makakaalala pa rin ng kagandahan ko. “Bakit di mo hiniling na maalala ka ni Geoff?” May nakahanda akong sagot dyan, “kasi maaalala siya nito…” tinuro ko yung
Posted on: Sun, 07 Jul 2013 11:13:15 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015