Gobyerno kukuha ng 33,194 bagong guro MANILA, Philippines - - TopicsExpress



          

Gobyerno kukuha ng 33,194 bagong guro MANILA, Philippines - Kasama sa 2014 national budget ang pondo para sa pagbili ng gobyerno ng nasa 42.6 milyong libro, pagkuha ng 33,194 bagong guro at pagpapatayo ng 43,183 silid aralan. Ayon kay Sen. Ralph Recto, maihahalintulad sa isang “big shopping cart” ng mga school supplies ang budget ng Department of Education para sa susunod na taon kung saan inaasahang matutugunan na ang kakulangan sa mga silid paaralan, guro at libro. Ang pagkuha umano ng karagdagang 33,194 guro at 1,500 principal sa susunod na taon ay lalaanan ng P9.5 bilyong inisyal na pondo para sa kanilang sahod. Sinabi ni Recto na inaasahan ng magkakaroon ng isang “year-round job fair” ang DepEd sa 2014 dahil dire-diretso ang gagawing pagkuha ng mga bagong guro. Bukod sa pagtatayo ng nasa 43,183 bagong classrooms, ire-repair din ang nasa 9,503 nakatayo na kinakailangang ayusin. Kasama rin umano sa budget ang pagbili ng nasa 1.6 milyong upuan na nagkakahalaga ng P44.6 bilyon. Ang gagawin umanong pagtatayo ng napakara­ming silid-aralan ang maituturing na “biggest in history”. *adminchen*
Posted on: Tue, 30 Jul 2013 21:59:56 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015