Gov. Jonvic Remulla, Ehemplo ng Matuwid na Daan ni PNOY (Rex Del - TopicsExpress



          

Gov. Jonvic Remulla, Ehemplo ng Matuwid na Daan ni PNOY (Rex Del Rosario / Peoples Bulletin / August 19-25, 2013) Simula ng mangampanya noon ang Pangulong Benigno S. Aquino III bilang kandidatong Presidente ng bansa at hanggang sa manalo at maupo siya sa estado poder ng kapangyarihan ay lagi niyang bitbit ang kampanya tungo sa matuwid na daan. Kaya naman puspusan ang kanyang isinasagawang krusada laban sa katiwalaan at korapsyon sa bakuran ng pamahalaan kasabay ng lubusang pagpapahinusay ng mga kagawaran para sa serbisyo sa mamamayan. Sa pagtalima sa krusadang ito ng Pangulo ay kapuri-puri ang yumaong dating DILG Sec. Jesse Robredo sa paglansag sa korapsyon at TESDA Secretary Joel Villanueva na sa panahon ng kanyang pamumuno ay naging ISO certified pa ang ahensyang ito sa husay ng serbisyo sa mamamayan. Sa lokal, isa na sa masasabi kong mabuting halimbawa sa krusadang ito ng Pangulo si Cavite Gov. Juanito Victor “Jonvic” C. Remulla na simula ng manalo at maupo noong 2010 ay totohanan ang paglaban sa anumang lagayan, tongpats, under the table, korapsyon at katiwalian sa Kapitolyo ng lalawigan at katulad ni Sec. Joel ay nagawa rin niyang maging ISO certified ang Kapitolyo kaya naman halos mag number 1 ang butihing gobernador at ang lalawigan sa good governance kaya hindi na kataka-taka na muli niyang makuha ang mandato ng tiwla ng taong-bayan sa katatapos lamang na halalang 2013. Sabagay miski naman wala pa si PNOY sa Malacañang ay nauna ng nagsasagawa ng krusada si Gov. Jonvic kahit siya noon ay Bise-Gobernador pa lamang ng mahusay niyang imbestigahan at kasuhan ang dating Gobernador ng Cavite sa maanomalyang over pricing sa bigas, na kahit kasama at kapartido niya ito dati ay isinakripisyo niya iyon sa ngalan ng katotohanan, katarungan at katuwiran ng lahing Kabitenyo. Sadya namang nakatatak na sa aklat ng kasaysayan at nasa dugo na ng mga Remulla ang paglaban sa katiwalian at pagkakaroon ng direktang serbisyong panlipunan sa mamamayan. Matatandaan na noong Kongresista pa si Gilbert Remulla ay magiting nitong pinangunahan ang paghahanap ng katotohanan sa dayaan sa tinaguriang Hello Garci Scandal kahit na ang binangga niya ay ang Panggulo este Pangulo pala na si Gng. Gloria Macapagal-Arroyo. Maging ang dating Kongresista at Deputy Speaker na si Boying Remulla ay kakikitaan ito ng sandamakmak at di mabilang-bilang na proyektong pangkaunlaran sa mamamayan katulad ng mga kalsada, tulay, barangay hall bukod pa ang educational assistance, hospital assistance at iba pa. Lahat ng yan ay patunay lamang ng paglaban sa katiwalia at pagbibigay serbisyong panlipunan sa ngalan ng matuwid na daan ni PNOY na kahit hindi pa nakaupo si PNOY noon at kahit na nitong nakaupo na siya ngunit hindi naman kapartido ng Pangulo ay sinunod pa rin ng mga Remulla ang landas ng matuwid na daan nito. Nakakadismaya at kabaligtarang-kabaligtaran naman ng mga naturingan pang kapartido ni PNOY datapwat salungat sa matuwid na daan ang ilan sa mga lokal na kaalyado nito sa Cavite tulad halimbawa ng pagpapabaha ng pera sa lalawigan noong nagdaang panahon ng kampanyahan hanggang halalan partikular sa upland Cavite area sa halagang P1000 at P1,500 na pamimili ng boto at sa mismong bibig pa ng isang kandidato na kapartido ni PNOY ay buong yabang niyang tinuran ang mga katagang “hindi na baleng mag vote buying huwag lamang iboto si boying.” Balita ko ay imbes na proyektong pangkaunlaran at pangkabuhayan ang isulong sa mamamayan ay proyektong pangkamatayan pa ang ibinabandila ng isa pang kandidato na kapartido ng Pangulo noong panahon ng kampanyahan dahil sa mga libreng kabaong at pagpapalibing na winiwika niya noon sa kampanyahan. Sana lamang lahat ng nanalong nanunungkulan ngayon lalo na ang mga kapartido ni PNOY ay sumunod at maging ehemplo ng paglaban sa katiwalian at pagbibigay ng proyekto at serbisyong panglipunan, katulad ng patuloy na ginagawa ngayon ni Gov. Jonvic sa Cavite kahit pa hindi siya kapartido ng Pangulo. Salamat at mabuhay po kayo. PERSONAL: Congrats sa aking masayahin at mabait na kaibigang si Atty. Gerry Sirios na bagong Chief ng Provincial Legal Office, ganoon din sa aking pamangkin na si Allen A. Salazar na nagtapos bilang Cum Laude sa kursong Tourism sa isang kolehiyo sa Belgium at ganoon din sa aking bestfriend na si Johnrie Neil A. Nueva na nagtapos din bilang First Honor/Cum Laude sa kursong Seaman sa Southern Luzon College. Pagbati naman kina Tatay Ito at Nanay Poleng Digma na nagdaos ng 50th Wedding Anniversary (Aug. 3), at mga birthday kina Ma’am Charlene Ann “Yayie” P. Samala (Aug.3), Allen Salazar (Aug.4), Rizza Avilla (Aug.5), Ma’am Mylene “Mye” D. Apostol (Aug.13) at sa kasamahan at boss namin sa grupong Magdalo na si Sen. Antonio F. Trillanes IV. Happy reading ng Peoples Bulletin naman kina katropang SK Chairman Patrick Telmo, Ariel, Bobet, James, Mark Leo, Patrick R, Dominic, Dhyrus,Wendell at Alvin ng Brgy. Tambo Malaki, Indang, salamat sa inyong kabaitan, suporta at tiwala. -with Rex Del Rosario Jay-Ar Del Rosario Joerex Del Rosario Sulong Bayan
Posted on: Tue, 27 Aug 2013 12:40:21 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015