HOROSCOPE Ni Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) | Updated August - TopicsExpress



          

HOROSCOPE Ni Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) | Updated August 14, 2013 - Pagtitibay: Gaano man kaabala, huwag hayaang lumipas ang araw na hindi naglalaan ng oras sa Dios. LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Ang sikretong itinatago na hindi napapanahon ay malalaman ng iba at matutuklasan. Ihanda ang sarili dahil susubukin ang iyong katapatan. Ang inaasahang pera o bagay na matagal nang hinihintay ay hindi makakarating at maaalintana ng ilang araw. Lucky numbers at color for the day ay 4, 9, 11, 36 at garnet red. VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Umaayon ang panahon sa pagmuni-muni upang makatuklas ng magandang paraan na ikakaunlad ng sa rili. Maganda ang palatandaan tungkol sa pag-ibig. May dadaluhang simpleng okasyon sa kapitbahay o kaibigan. Hindi angkop ang makipag-date. Lucky numbers at color for the day ay 6, 13, 26, 37 at white. LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Iwasan ang magbigay ng pangako sa anumang bagay. Maganda ang panahon sa namamasukan sapagkat mapapalabas ang angking kakayahan at talino. Hindi angkop ang paglalakbay. Iwasan ang mapasubo sa isang pakikipagsapalaran. Mag-ingat sa manloloko o mandarambong. Lucky numbers at color for the day ay 2, 12, 24, 32 at avocado green. SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Nasa panig ng kaunlaran ang kalagayang pinansyal. Kahinahunan sa pagpapasya ang dapat panatilihin bago magdesisyon. Mag-ingat sa mga sasakyan. Iwasan ang magulong lansangan. Magiging saksi ka sa isang aktibidad na hindi makakalimutan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 14, 24, 34 at blue. SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Mapalad sa itatayong negosyo kung sisimulan nga yon. Gumawa ng tahimik at pairalin ang pagtitiyaga. Makakatagpo ng mga bagong kakilala sa isang pakiki salamuhang sosyal. May biyayang naghihintay mula sa trabaho o negosyo. Maging alerto. Iwasang makisangkot sa argumento. Lucky numbers at color for the day ay 5, 13, 22, 44 at silver gray. CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Nasa sig nos ang aksidente kaya iwasan ang paanyaya ng mga barkada o lumakad nang hindi gaanong kaila ngan. Iwasan ang paglalakbay ng malayo lalo na kung may tatawiring dagat. Hangga’t maaari sa tahanan na lamang. Lucky numbers at color for the day ay 10, 14, 23, 40 at cream. AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Magiging masaya ang romansa. Mag-ingat sa pagpapaha­yag ng hinanakit at baka hahantong sa hindi pagkakaunawaan. Huwag magmalabis sa mga gawain dahil kalusugan ang bibigay. Lucky numbers at color for the day ay 4, 8, 12, 16 at green. PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Isang Taurus ang magbibigay ng kaligayahan o tulong. May pagkakataon na malutas ang suliranin tungkol sa pera. Ipagpaliban ang anumang desisyon para mapag-aralang mabuti. Huwag magpaluwal ng anumang bagay mula sa tahanan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 22, 32, 42 at indigo. ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Mabuti ang kumilos agad bago mahuli ang lahat. Ang bagabag ay mahahalinhinan ng kaligayahan. Huwag paniwalaan ang pamimika ng iba. Sundin ang tibok ng puso at tiyak hindi magkakamali. May pagkakataong mapapaunlad ang samahan sa trabaho. Lucky numbers at color for the day ay 10, 22, 30, 34 at lavender. TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Maraming dapat gawin subalit ang kalituhan ang magbibigay ng abala. Lalong mabuti kung makukuha ang suporta ng pa milya sa mga binabalak. Isang kaibigan ang maghahatid ng balitang ikaliligaya o ikalulungkot. Lucky numbers at color for the day ay 8, 12, 36, 41 at aquamarine. GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – May pagkaka­taon na mabuti ang kalagayang pinansyal. Matutong manindigan sa sarili at isa-isip ang kahalagahan ng pera at panahon. Ang inaasahan ay darating sa tamang oras. Makulay at maaliwalas ang magiging karanasan sa pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 9, 36, 39, 42 at mustard yellow. CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Angkin mo ang lakas ng iyong E.S.P. kaya ang kutob ay dapat sundin. Kailangan ng malaking pakikibagay sa mga nakatataas sa tungkulin. Iwasan ang magpalalim ng gabi sa labas ng tahanan. Iwasan ang maglasing at magsugal. Lucky numbers at color for the day ay 4, 15, 29, 32 at honey yellow. Admin chinG
Posted on: Wed, 14 Aug 2013 08:36:09 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015