HOROSCOPE Ni Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) | Updated June 22, - TopicsExpress



          

HOROSCOPE Ni Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) | Updated June 22, 2013 - Pagtitibay: Mahirap hanapin ang mabuting asawa. Kaya pahalagahan sila nang higit pa samamahaling alahas. CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) — Kabaligtaran sa inaasahan ang magaganap. Huwag kang umasa nang hindi madismaya. Sikapin sa abotng makakaya ay makagawa ng makabuluhang bagay kaysa umasa sa mga pangako. Sariling sikap ka ngayon at huwag iasa sa iba ang sariling pangangailangan. Lucky numbers at color for the day ay 19, 28, 38, 39 at pink. LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) — Dahil sa pag-ibig, magiging masigla, maligaya at maraming magagandang bagay ang maipapasok sa isip. Himay-himayin mo ang bawat detalye at pangyayari sa nakaraan paramatuklasan mo kung tama o mali ang napili mong ibigin. Walang masama kung didis­kubrehin muna ang kanyang pagkatao. Lucky numbers at color for the day ay 22, 24, 39, 43 at yellow. VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) — Katungkulan sa pamilya at sa trabaho ang madaragdag na mga pabigat sa gastusin ang siya mong problema. Kung tutuusin masu­werte ka pa rin kaysa sa iba, na sira ang utak at palaboy-laboy na lamang pero nagsisikap pa rin na mabuhay. Huwag mawalan ng pag-asa, dagdagan lamang ang tiyaga at pagsisikap. Lucky numbers at color for the day ay 9, 10, 22, 23 at scarlet. LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) — Wala kang makukuha sa pagsasama sa mga taong may masamang bisyo, lalo na sa mas mababa kaysa iyo. Kung nais umunlad, samahan ang taong mas mataas ang katayuan at maganda ang reputas­yon sa lipunan. Sayang ang iyongpagkatao kung hindi mo gagamitin ang matinong pag-iisip. Lucky numbers at color for the day ay 14, 16, 31, 39 at fuchsia. SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) — Hanggang kailan ka aasa sa iyong mga magulang? Hanggang sa sila ba ay wala na? Huwag mong sayangin ang iyong mga pagkakataon dahil daranasin mo ang kahirapan sa darating na panahon. Masarap mabuhay kung pinaghirapan sa sari­ling pagsisikap ang tatamasahing kasaganahan. Lucky numbers at color for the day ay 12, 16, 25, 36 at red. SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) — Nasa pagitan ka ng dalawang daan, malilito ka kung ano ang dapat gawin dahil parehong kailangan ka ng iyong pamilya at ng trabaho. Sa ganitong situwasyon, walang mas magandang pagbasehan ng desisyon kundi ang maging praktikal. Lucky numbers ay color for the day ay 15, 22, 28, 39 at pale yellow. CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) — Ang iyong inaakala ngayon ay magkakatotoo. Kung inaakala mong magkakamali ka, huwag ituloy. Kung inaakala mong matanggap sa trabaho, lakarin. Dahil matatanggap kung tugma ang nalalaman na kurso o experience. Kung inaakalang mababayaran ng may utang,singilin at tiyak mababayaran. Lucky numbers at color for the day ay 13, 19, 32, 41 at indigo. AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) — Huwag idaan sa dahas kung may gusto o kailangan. Relax, dahan-dahan at idaan sa lambing ang pagsasabi ng pakay dahil lalong titingkad angawra ng karisma. Hindi ka mapaghihindian sapakay kung may kasamang ngiti at lambing na makipag-usap. Lucky numbers at colr for the day ay 17, 18, 27, 36 at rose quartz. PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) — May mga nakakairitang bagay ang sasalubong sa iyo atkung papatulan, buong araw tataglayin ang init ng ulo. Hinga ng malalim at mag-relax muna. Pag-aralan ng mabuti ang mga bagay bago simulan ang dapat gawin. Huwag magpadalos-dalos para walang damdaming masaktan. Lucky numbers at color for the day ay 18, 19, 35, 37 at violet ARIES (Marso 21 - Abril 19) — Kung ayaw mapag-usapan, gumawa ng tama at huwag gumawa ng milagro. Atupagin ng maayos ang trabaho para walang mapuna ang iba. Ilagay sa tamang oras ang makipaghuntahan. Hindi maiiwasan ang makipagtsismisan peropiliin ang paksa na may kabuluhan at hindi manira ng kapwa. Lucky numbers at color for the day ay 16, 20, 21, 25 at bright yellow. TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) — Ang paghahanda sa okasyon ay hindi maiwasan pero maiiwasan ang paggastos ng sobra sa budget. Tiisin ang gusto na hindi kaya ng bulsa. Huwag pilitin na lumipad na kulang angpakpak dahil tiyak babagsak. May panahon pasa pag-iipon para kahit papaano may mapagsasaluhan ang pamilya. Lucky numbersat color for the day ay 13, 22, 28, 35 at sky blue. GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) — Kung may mapapaunlakan ka ngayon, tiyak very good ka sa kanya. Pero kung sa simula ay reklamo ang makukuha at kung hindi mapag­bi­bigyan, mara­ming paninira ang iyong aabutin. Ang magandang gawin, wala kang dapat paunlakan ngayon. Lucky numbers at color for the day ay 13, 16, 24, 38 at jade green. Ate sam
Posted on: Sat, 22 Jun 2013 05:42:37 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015